KAWAWA si male star. Dati naman sikat siya, ngayon panay daw ang text sa kanyang mga kaibigan at nangungutang dahil wala na raw siyang pera. Eh kung ganyan sino pa ang maniniwala na kaya rin niyang maging producer kagaya ng ipinagyayabang niya noong araw. Sino pa ang maniniwala na makatutulong siya sa kapwa niya artista na ma-build up at makakuha ng trabaho, kung siya nga mismo nangungutang na lang ngayon dahil walang-wala na siya.
Hindi na rin niya maasahan ang girlfriend niya na wala na ring trabaho sa ngayon.
Iyan ang bunga ng kayabangan at katigasan ng ulo. (Ed de Leon)