Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelika, bugbog na sa Covid-19, problema pa ang ‘tiktik’ na gumagala raw sa Malabon

SA panahong ito, isa sa pinakabugbog na frontliner ay iyong chairman ng barangay. Biglang lumaki ang kanilang role, lumawak ang responsibilidad, at dahil diyan kadalasan sila pa ang nasisisi kung may pagkukulang na hindi naman nila kasalanan. Iyong mga barangay chairman ngayon, sila pa ang napagbibintangang nangungipit kung kakaunti ang relief goods, samantalang ang ibinibigay nila ay inaagaw lang nila ang budget mula sa ibang proyekto ng barangay.

 

Iyang mga problemang iyan ang nararanasan ngayon ni Angelika dela Cruz na chairman ng barangay Longos sa Malabon. Kung hindi ba naman kasi eh, ang sarap ang buhay ng artista, bakit naisipan pa niyang maging barangay chairman.

 

Pero ok naman siya, dahil bukod sa kanilang mga relief operation, nakatatanggap pa siya ng tulong mula sa mga kasamahan niyang artista. Isa nga sa nabanggit ay ang ipinatayong tent ni Angel Locsin sa kanyang barangay para maging quarters ng mga frontliner.

 

Pero ang natawa kaming karanasan niya ay iyong may nagreklamong may gumagala raw na “tiktik”. Sa mga kuwentong Filipino iyan ay “aswang,” na nakita umano sa bubungan ng isang bahay na may nakatirang buntis. Iyang “tiktik” pinaniniwalaan iyan ng mga matatanda noong araw. Kaya nga basta buntis kailangan daw may katabing gunting sa pagtulog, at kung may parang sinulid na makita, putulin agad iyon dahil iyon ay “dila ng tiktik.”

 

Pero iyan ay kuwento-kuwento lamang, pero kung barangay chairman ka, at may magreklamo sa iyong may nakita silang tiktik at hindi mo inaksiyonan, sasabihin pa sa iyo mahinang klase ka. Ang sabi naman ni Angelika, naipaliwanag naman niya na iyang tiktik, kuwento nga lamang.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …