Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

CEO-President ng Beautederm, sobrang saya sa paggaling ni Sylvia

KUNG may isang tao na sobrang saya sa mabilis na paggaling ni Sylvia Sanchez, ito ay ang CEO-President ng Beeautederm at maituturing na ring kapamilya niya, si Rei Anicoche-Tan.

 

Isa si Rei sa sobrang nalungkot nang bumulaga sa lahat na nag-positive si Sylvia at ang kanyang asawang si Papa Art sa Covid-19 at kaagad-agad itong nanawagan sa kanyang FB account ng panalangin para sa mabilis na paggaling ng mag-asawa.

 

At para kumustahin si Sylvia, lagi silang nagbi-video call kasama pa ng iba pang Beautederm ambassadors para maging updated sa lagay ng aktres. Kaya naman nang makausap ni Rei ang actress at ibinalitang parehong nagnegatibo silang mag-asawa at makauuwi na ng bahay ay sobrang saya ni Rei.

 

Post nga ni Rhea sa kanyang FB account kasama ang picture ng video chat nila ni Sylvia, “Yeheyy!! Galing kanaaaa yahooo iloveuu ateee Jojo Campo Atayde Salamat po sa lahat ng kasama namin nagdasal! To God be the Glory!”

 

Sumagot naman si Sylvia ng, “Salamat sa walang sawang dasal at pagmamahal mo sa amin ReíRamos Anicoche Tan Love u much.”

 

May iniwang mensahe rin ang butihing ina ni Rei na si Mommy  Pacita Anicoche para  kay Sylvia, “Jojo Campo Atayde praise God you are now healed anak. God is so good. He really moved in His own mysterious way. Ingat lagi. We love you.”

 

Na sinagot ni Sylvia, “Mama Pacita Anicoche yes po magaling n po ako  salamat sa prayers  lov u mama bahay na po ako.”

 

Grabeng pagmamahal nga ang nag-uugnay sa pamilya nina Rei at Sylvia na parehong grabeng magpakita ng pagmamahal sa kanilang mga kaibigan. Kaya naman maraming tao ang nagmamahal sa kanila at sa kanilang pamilya.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …