BUNTIS na, 17 weeks to be exact, si Diane Medina, kaya naman sobra-sobrang kasiyahan ang nararamdaman nito gayundin ng malapit nang maging daddy na si Rodjun Cruz.
Kaya naman sobrang ingat si Rodjun sa kanyang preggy wife lalo na’t may crisis na pinagdaraanan ang bansa.
Payo nga ni Rodjun sa mga kasama nila sa bahay na kailangang malinis ang kanilang bahay at kapag lalabas ay kailangang naka-face mask at gloves.
If ever nga na magiging babae ang kanilang anak ay ipapangalan nila ito sa kanilang mga mommy at kung sakaling lalaki naman ito ay balak ni Rodjun na gawing the third, pero balak din nilang mag-isip pa ng ibang pangalan.
MATABIL
ni John Fontanilla