Thursday , December 26 2024

FDCP, may ayuda sa mga taga-showbiz

SA panahong marami ang apektado ng Covid-19, isa ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) na tumulong sa pamamagitan ng kanilang Disaster/Emergency Assistance and Relief (DEAR) Program, na ang layunin ay tulungan  ang mga audio-visual (AV) content industry stakeholders na apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

 

Ang DEAR Action (For Displaced Freelance AV Workers) ay inilunsad noong Marso 23. Layunin nitong magbigay ng P8,000 na tulong pinansiyal sa freelance AV content industry members na biglaang nakansela o napatigil ang trabaho dahil sa sitwasyon ng Covid-19. Kabilang dito ang technical crew, production/post-production staff, mga on-camera performer tulad ng aktor, dubber, stunt people, at iba pang creatives na walang direktang employer, binabayaran ng “per day” basis, at hindi kuwalipikado sa mga benepisyo mula sa gobyerno.
Noong Marso 30, sinimulan naman ng FDCP ang DEAR PRESS (For Displaced Freelance Entertainment Press) para sa freelance entertainment press workers tulad ng writers at reporters na biglang nawalan ng trabaho dahil sa Covid-19.

 

Ayon kay FDCP Chairperson at CEO Liza Diño, “Napaka-crucial ng role na ginagampanan ng entertainment press para buhayin at bigyang kulay ang ating showbiz industry. Sila ang tagapaghatid ng mga nangyayari sa loob at labas ng showbiz para sa ating mga audience.

 

“Unfortunately, they too, belong to the freelance sector and cannot be afforded unemployment benefits. So in line with DOLE’s CAMP Program which provides unemployment assistance for employees, FDCP has created DEAR ACTION! and DEAR PRESS! to support the freelancers who are not covered by the CAMP Program.”

 

Ang DEAR PRESS! Program coverage ay sa National Capital Region at para ito sa mga may “no work, no pay” status, hindi kaanib sa isang kompanya, at hindi kuwalipikadong tumanggap ng mga benepisyo mula sa kanilang lokal na pamahalaan at mga institusyon ng gobyerno gaya ng Department of Labor and Employment (DOLE), Social Security System (SSS), Department of Trade and Industry (DTI), at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang mga aprubadong DEAR PRESS! na aplikante ay makatatanggap ng P5,000 bilang tulong pinansiyal mula sa FDCP para makatulong sa kanilang gastusin sa gitna ng pambansang state of calamity. Ang DEAR PRESS! application period ay mula Marso 30 hanggang Abril 30, 2020.

 

Narito ang DEAR PRESS! Program requirements: Kinompletong National Registry for Entertainment Press (NREP) at DEAR PRESS! Application Forms; Kahit na anong patunay ng kita (income tax return, payslips, vouchers, etc.) o Press ID; Certificate of Engagement mula sa publisher, editor, o media publication; Kopya o link ng kahit isang pinakabagong published article tungkol sa Philippine Showbiz/ Entertainment Industry (mula Enero 2020 hanggang Marso 2020) o kahit  anong published article tungkol sa isang press event na sponsored o sinuportahan ng FDCP (mula 2019 hanggang 2020); Ang mga aplikasyon ay kailangang ipadala online sa FDCP National Registry ([email protected]). Kapag naaprubahan ang aplikasyon, idedeposito ng FDCP personnel ang P5,000 sa bank account ng benepisyaryo o ipadadala sa pamamagitan ng money remittance service.

 

Dahil ang DEAR fund ay pondo ng gobyerno para sa kapakanan ng mga benepisyaryo, kailangan ng mga aprubadong aplikante na gumawa ng return service sa diwa ng pagbibigay serbisyo sa komunidad at AV content industry. Ang mga DEAR PRESS! na benepisyaryo ay kailangang sumali sa dalawang (2) kaganapan, aktibidad, o proyektong pinamumunuan o sinusuportahan ng FDCP sa loob ng dalawang (2) taon simula ng pagtanggap ng DEAR PRESS! tulong pinansiyal.

 

Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa FDCP National Registry sa pamamagitan ng e-mail ([email protected]) o text messaging sa +63 917 800 3227.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *