Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Boobay at iba pang komedyante, namahagi rin ng relief goods

KASAMA ang kanyang mga kaibigan, naging bukas-palad ang Kapuso comedian na si Boobay sa pagtulong sa mga kababayan nating kapos sa maraming bagay tuladd ng pagkain dahil sa Covid-19.

At para mas maraming matulungan, kinakusap ni Boobay ang kanyang mga kaibigan at kakilala na gustong tumulong at ito ay kanilang pinagsasama-sama at ibinibigay sa ating mga frontliner at mga  hirap sa buhay.

Iba’t ibang pakete ng biskwit, kape, at mga delata ang ini-repack ni Boobay kasama ang kanyang mga kapwa komedyante na sina Pepita Curtis, AJ Tamiza, Nhoi Taleon, at Yvona sa tulong ng mabait at generous na Eat Bulaga co-host na si Allan K na kanilang ibinabahagi.

“Para po sa mga minamahal nating #FRONTLINERS…. mabuhay po kayo! @allan_klownz @pepitacurtis @ajtamiza @nhoitaleon @bouncerdiva @ianred25,” ang caption ni Boobay sa kanyang Instagram post.

Ayon naman sa IG post ni Pepita, bibigyan din nila ng donasyon ang staff ng Klownz at Zirkoh.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …