Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ate Vi, naghahanap ng donors para sa dagdag na ventilator sa Lipa

HALOS mapaiyak si Congresswoman Vilma Santos sa balitang isang sanggol ang pumanaw sa isang ospital sa Lipa dahil sa Covid-19. Nalaman ang resulta na positibo ang bata sa Covid19, apat na araw matapos na ang sanggol ay pumanaw na. Kung mabilis na nalamang Covid19 na nga ang sakit ng sanggol, sana ay nagawa ang lahat ng tamang aksiyon para sa kanya.

Kaya nasabi nga ni Ate Vi na sa ngayon naniniwala siyang iyan ang dapat na tutukan nang husto, ang mga kakulangan sa mga ospital. Sa tulong ng mga kaibigan din niya, nakabili sila ng isang Monal T60 Ventilator mula sa France, na ginagamit na ngayon sa ospital sa Lipa. Nagkakahalaga iyon ng P1.2-M. Pero sinasabi nga ni Ate Vi, kulang iyon. Paano nga naman kung dumami pa ang may sakit na kailangang gumamit ng ventilators, kaya naghahanap pa siya ng ibang donors.

Noon ding panahon na endorser pa siya ng isang drug company, ang mas malaking bahagi ng kanyang talent fee ay mga gamot, na ipinamamahagi sa lahat ng mga government hospitals at health centers noon sa Batangas. Sinasabi nga niya, maganda naman ang takbo ng relief operations sa kanilang bayan, kaya ang haharapin muna niya ay ang pangangailangan sa mga ospital.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …