Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiai, napaluha nang hinugasan ang paa noong Huwebes Santo

NAKASAMA si Aiai delas Alas sa mga “hinugasan ang paa” noong Huwebes Santo. Aminado si Aiai, noon lang siya nakasaksi ng ganoong seremonya at kasali pa siya. Napaluha si Aiai dahil noon lang din niya nalaman ang kahulugan ng seremonyang iyon. Kasi hindi naman naging ugali talaga ng marami iyong nagsisimba maliban kung Linggo, at iyang mga artista, karaniwan nasa bakasyon iyan kung Mahal na Araw kaya hindi sila aware sa mga ganyang seremonya lalo na nga at Huwebes Santo pa.

Makabuluhan din kay Aiai na mapili siyang isama sa seremonyang iyon, lalo na nga sa panahong ito na ang lahat ng seremonya sa simbahan ay pribado, bilang bahagi nga ng pag-iwas sa Covid-19. Isipin mo nga namang sa dinami-rami ng mga tao ay isa siya sa mapili para sa bagay na iyon.

Noong araw, mga lalaki lamang, na kumakatawan sa mga apostoles ang hinuhugasan ng paa kung Huwebes Santo. Ngayon, sa makabagong panahon, naisasali na rin pati mga babae.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …