PAALALA lang doon sa young male star na patuloy ang “sideline.” Una, may home quarantine na ipinatutupad. Ikalawa mahalaga ang social distancing. Kahit na sabihing kilala naman niya ang mga “client” niya sa sideline, hindi niya alam kung carrier na iyon. Baka mahawahan pa niya ang kanyang ka-live in. Hindi maganda iyan.
Dapat magpreno muna siya sa sideline ngayon. Oo nga wala na siyang datung, pero delikado naman ang ginagawa niya, lalo na’t immunocompromised din siya dahil sa mga bisyo niya. (Ed de Leon)