Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Unang naglabas ng video ni Iza sa socmed ang dapat idemanda

NATUTUWA kami at nag-negative na si Iza Calzado sa Covid-19, nang sumailalim sa ikalawang test, at nakagugulat dahil matapos ang dalawang araw na pag-amin na positive siya, naisagawa agad ang ikalawang test at lumabas na ang resulta na negative siya.

 

Napaka-suwerte ni Iza, isipin ninyo nabigyan siya agad ng ikalawang test, samantalang dahil sa limitasyon ng test kits maraming namatay na hindi man lang nai-test nang maayos. Sobra-sobra ang suwerte niya, isipin ninyo sa loob ng dalawang araw lumabas ang resulta ng ikalawang test. Marami ang namamatay nang hindi nalalaman ang resulta ng kanilang tests. Magandang example na nga riyan sina Menggie Cobarrubias at Joey Bautista na namatay na’t lahat wala pa ang resulta ng test. Ganoon din si Senador Koko Pimentel na nabanatan pa nang husto dahil isipin ninyo pumasok pa sa ospital, at nag-supermarket pa, pero hindi pa pala niya alam ang resulta ng kanyang Covid-19 test dahil nga sa tagal. Hindi mo ba masasabing sobrang suwerte iyang si Iza na sa loob ng dalawang araw lumabas na negative at palalabasin na sa ospital?

 

At talagang suwerte iyang si Iza, dahil nagpakuha siya ng picture na nakakabit ang oxygen, tapos gumawa pa ng video na pinupunasan ng isang nurse na mayroon pa ring breathing apparatus, aba pagkatapos sasabihin sa mga tao alisin iyon dahil nakasisira na. Sino ba naglabas niyon?

 

Kami hindi kami naglabas niyon, dahil sa tingin namin hindi naman tamang ilabas pa iyon. Pero siya gumawa pa siya ng video, at nagkukuwento pa mismo sa video niya. Ibig sabihin, mayroong consent niya na gawin ang video na iyon, at sino ang naglabas niyon sa social media? Imposibleng hindi nila alam. Kung sino naglabas sa social media, idemanda nila.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …