BUKAS ang TV namin noong isang gabi, bagama’t hindi namin pinanonood dahil may iba kaming ginagawa. Pinapanatili lang naming bukas para marinig namin agad kung ano ang bagong balita.
Biglang doon sa isang contest, may isang babaeng contestant yata iyon na biglang bumunghalit ng kantang Saan Darating ang Umaga. Aba’y panay ang birit, pilit na itinitili ang boses, at ang nangyari dahil sa pagpipilit niyang tumili, naiba na ang tono ng kanta.
Naniniwala kami sa artistic license, pero ano ang karapatan niyang kantahin nang ganoon ang awiting nilikha ng isang kinikilalang icon ng musika na si George Canseco? Iyan bang mga iyan hindi sinasabihan ng mga nagpapatakbo ng shows na mali iyong ginagawa nila?
HATAWAN
ni Ed de Leon