“PUWEDE po ba paimbestigahan naman ninyo ang ginagawa ng mga mayor sa Metro Manila,” ang panawagan ni Jennylyn Mercado sa DILG. Iyong kahilingan ni Jennylyn ay dahil sa reklamo ng maraming mamamayan na hanggang ngayon, wala silang natatanggap na tulong mula sa mga local na pamahalaan.
Kung makatanggap man ng tulong, kagaya nga sa amin, mukhang kinangkong pa ng naghahatid, dahil sa katabing barangay namin doble sa ibinigay sa amin ang natanggap nila. Hindi natin maiiwasan iyang “kangkungan” pero tama si Jennylyn, katungkulan ng DILG na tignan kung tama ang ginagawa ng mga pamahalaang local. Sa ngayon, ang naririnig lamang naming napupuri ay sina Mayor Isko Moreno at Mayor Vico Sotto.
HATAWAN
ni Ed de Leon