SINO ang mag-aakala na ang kinatatakutang COVID-19 ay magiging saving grace ng mga akusado sa ‘pastillas scam.’
Hindi rin tayo sigurado kung itong COVID-19 ba talaga o may iba pa ang naging sanhi upang mabalam ang ginagawang imbestigasyon ni Madam Senator Risa.
Marami ang nanghinayang. Disin sana’y nasaksihan nila ang nakatakdang pagtutuos ni dating SOJ Vitaliano Aguirre at ng katoto nating kolumnista.
I doubt kung satisfied ba sa naging takbo ng pangyayari ang tinaguriang whistleblower na si Allison Chiong?
Magiging masaya kaya siya sa halos dalawang buwang pagkatengga sa magiging tahanan niya pansamantala sa WPP safehouse ng DOJ?
Ang hirap kaya sa safehouse. Unang-una, bantay-sarado ka.
Pangalawa, limitado ang iyong oras sa loob ng compound.
Pangatlo, kinakailangan mag-report ka umaga, tanghali at gabi sa OIC ng WPP.
Pang-apat, ‘di namn kalakihan ang badyet dito o allowance.
At pang-lima, walang LSD?!
Hak! Hak! Hak!
O kay saklap!
No more stairway to heaven!
Samantala ang mga inilaglag niyang mga kasamahan ay tuloy-tuloy pa rin ang ligaya sa kanilang kalayaan at kayamanan?
Namputsa kasing konsensiya ‘yan!
Minsan talaga ‘yan ang pahamak, ‘di ba tsong?!
Okay sana, totoong dala ng konsensiya kaya napakanta?!
Buti rin sana kung totoong kapani-paniwala ang kalabit ng konsensiya!
Ba’t hindi na lang kasi sinabi na “Ako po ay nasaktan dahil…NABUKULAN?!”
Nyek!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap