Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lance Raymundo, segurista kontra corona virus

KILALA ang actor/singer/songwriter na si Lance Raymundo sa pagiging isang health buff. Pero tulad ng marami ay seryoso ang ginagawa niyang pag-iingat para makaiwas sa corona virus na isa nang pandemic ngayon.

“We are all vulnerable sa coronavirus no matter how fit we are. Pati nga NBA players may three cases na. So, we don’t want to take risks. The best is to obediently follow all the safety measures,” seryosong pahayag ni Lance.

Sa tingin niya, nakaka-bore ba kung one month siyang pipirmi lang sa bahay?

Sagot niya, “Okay naman kami, me and my brother’s family live in the same building… ibang floors lang, bale. So ‘yun, kanina nagluto si kuya at doon ako nag- lunch. Sobrang rare lang akong nakabibisita sa unit nila kuya, kasi ang unit ng Mom ko ‘yung pinakapuntahan naming lahat for breakfast, lunch and dinner. So, exciting din na pinupuntahan ko ang unit ni kuya (Rannie Raymundo).”

May instance ba na parang paranoid na siya, na tipong ayaw na niyang lumabas ng bahay at laging naliligo or nag-a-alcohol?

“Hindi pa naman po,” nakangiting sambit niya.

Dagdag ni Lance, “But I make sure to take vitamins. To me, vitamins is just as important as alcohol and facemasks, kasi strong immune system ang weapon natin, e. So, ang ginagawa ko ay tulog nang maaga, good sleep is important too.”

May mga kinakain ba siya ngayon na noon ay hindi niya kinakain, para lang pangontra sa corona virus?

“Same pa rin naman ang food ko, but I drink more water nowadays,” sambit pa niya.

Nabanggit din ni Lance na mas madalang siyang maligo ngayon dahil hindi siya kasing-active kompara noong wala pang corona virus.

“Actually, nabawasan ang pagligo ko ngayon. Kasi before quarantine, mga twice a day ang workout ko -weights sa umaga, jogging sa hapon… So, mga three times ang ligo ko on normal days. Ngayon, morning and night na lang.”

Ayon kay Lance, magiging thru online na ang training niya ngayon sa kanyang coach.

“My coach will train me online, para hindi matigil ang work-out ko… ‘coz positive tayo na malalampasan din natin ito at babalik din tayo sa work natin.

“In my case, kapag tapos na ang crisis, balik-shooting na kami. Kaya kailangan pa rin na pangalagaan ang physique naming cast members ng mga ginagawa kong projects.”

Pahabol niya, “And of course tuloy pa rin ang operation ng business ko. So, work at home kami sa pag-monitor ng shipments namin. I have a logistics company, our company facilitates the release of shipments sa ports.”

Tuwing aalis siya papuntang supermarket, ano ang ginagawa niyang precaution? “I definitely wear my mask, iyan and best safety measure, then I spray alcohol on my hand before leaving the house. Then ‘yun, since naka-mask naman ako, I won’t accidentally touch my face naman ‘pag nasa grocery ako.”

Ano ang maipapayo niya sa mga nagpa-panic dahil sa corona virus? “Ang payo ko is definitely not to panic, but we should work in unity in being obedient and responsible. At huwag nang maghanap ng negative angle sa lahat ng mga bagay na ginagawa dahil para rin naman sa kaligtasan natin iyan. Let’s just do all we can to positively contribute to the faster end of this crisis,” wika ni Lance.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …