Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
ronnie liang

Harang ni Ronnie, mala-CLOY; (Nakipag-collaborate rin para malabanan ang Covid-19)

BILANG adbokasiya para labanan ang sumpa ng sakit na COVID-19 ay nag-collaborate sina Ronnie Liang at Njel de Mesa at nilikha ang awiting Labanan Ang COVID19: Kaya Natin ‘To!

Bukod sa kanta ay isa rin itong informative music video na nagpapakita ng tamang paghuhugas ng kamay na napakaimportante ngayon para makaiwas sa COVID-19 disease.

Sa music video ay sina Ronnie at Njel ang kumakanta ng naturang awitin na isinulat ni Njel.

“I wanna help so we decided to create a song and music video for the awareness ng mga kababayan natin sa tamang paghuhugas ng kamay para ma-prevent ang CoVid19,” says Ronnie.

Samantala, muling mapapanood sa isang pelikula si Ronnie.

Huling nagbida si Ronnie sa kanyang award-winning first ever lead role sa  Esoterika Manila noong 2014 na nanalo siya bilang Best Actor sa 2014 Gawad Pasado Awards.

Ang bagong pelikula ni Ronnie ay may pamagat na Harang, at ito ay sa direksiyon ng Palanca award-winning writer na si Njel na siya ring direktor ng pelikulang Respeto.

Ang peg ng Harang ay ang hit Korean series na Crash Landing On You pero ibang-iba pagdating sa pagkaka-kuwento o storytelling.

Gaganap si Ronnie bilang isang military person sa Harang na isang romantic-comedy movie.

Super happy ako sa title kasi kung iisipin mo ‘yung ‘Harang’ parang super serious niyong theme.

Sumakto naman kay Ronnie ang role dahil bukod sa pagiging isang piloto ay isang army reservist siya na may ranggo bilang 2nd lieutenant ng Army Pambato Division.

Maganda ‘yung timing ng movie kasi katatapos ko lang mag-training bilang 2nd Lieutenant so sa tingin ko mapo-portray ko nang maayos ‘yung character ko. Very personal and close to my heart itong role ko.”

Ayon pa kay Ronnie, sobrang hinahangaan niya si direk Njel dahil sa creativity nito at pagmamahal sa propesyon bilang isang direktor.

”Sobrang bilib ako kay direk. Ito iyong mga performer sa mga kasal, mahilig mag-gig. Iyon ang tawag sa kanila.

“The movie is about musicians at kung ano iyong current issues natin ngayon. Marami rin siyang interesting twists kasi may romcom element dahil may secret wedding sa plot.”

 

Korean looks, ‘di para maki-ride

Sa kabilang banda, excited ang mga tagahanga at supporters ni Ronnie na kung bansagan nila ay “Oppa” dahil sa Korean good looks ni Ronnie.

Hindi naman sa nakiki-ride sa hype ng Korean treatment whether sa film or series, pero maganda ring chance na ipakita sa audience na kaya rin natin gumawa ng ganoong klaseng obra. Yes, we are influenced, pero may sariling touch si direk.”

Malapit ng ipalabas, nasa Harang din sina Princess Velasco at Thor Dulay.

Dagdag pang pahayag ni Ronnie, “I’m so excited to flex my acting ability. Hindi naman nawala ‘yung pag-arte dahil marami akong support roles sa mga pelikula ng Viva Films, pero iba ngayon dahil lead ulit ito.

“Ibibigay ko ang best ko para sa movie na ‘to.”

At makaraang tapusin ang kanyang solo at private trainings bilang piloto ay tatapusin naman niya ang commercial pilot this year sa APG International Aviation Academy.

Nakapanayam namin si Ronnie kanina sa pamamagitan ng email.

Tumatanggap naman ang APG International Aviation Academy ng mga aspiring pilots para mag- enroll sa Private Pilot Ground School & Flight Training Course, Commercial Pilot Ground School & Flight Training Course, Instrument Rating (IR) Course, Multi-Engine (ME) Course, at Flight Instructor (FI) Course.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …