NAGSILBING eye opener sa mga taga-showbiz ang pagdating ng Covid-19 na animo’y isang sumpa para iparamdam ang mga pagkakamali at pagkukulang.
Sa showbiz, ipinaramdam nito ang kahalagahan ng mga tagahanga na nagbibigay biyaya sa mga taga-pelikula. Ipinakita nito ang epekto kapag nawala na ang mga tagahangang sumusuporta sa showbiz dahil sa paniniwalang magkakahawa-hawa.
Makamandag ang Covid-19 kaya bawal muna ang tao sa studio para manood. Mahirap ang mag-show ng walang taong nanonood sa studio.
Dati kung magmalaki ang mga artista kapag may gustong magpa-selfie at magpa-sign ng autograph, ini-ignore nila. Bago pa man sila tumigil sa pagpapalabas ng mga live show, naging matamlay ang mga panooring Eat Bulaga, It’s Showtime, at Wowowin.
Wala kasing tumitili at walang pumapalakpak.
Kailan kaya mapupuksa at makikitil ang Covid-19 na animo’y biological weapon galing China na nakapagpapa-panic sa tao habang tumatagal.
Prusisyon ng mga poon sa Baliuag tuwing Holy Week, posibleng makansela
MALUNGKOT ang ilang mga kababayan sa Baliuag, Bulacan dahil hindi masagot ng Hermano Mayor na si Jorge Allan Tengco kung matutuloy pa ang plano sanang longest procession of saints kapag Holy Week.
Hindi na rin kasi pahihintulutan sa Baliwag ang mass gathering na ipinagbawal na rin sa Metro Manila.
Rati napag-usapan ang mga santo at santa na lang ang ipuprosisyon at wala ng papayagang mag-ilaw. Twenty years na kasing tradisyon ang Holy Week procession sa Baliuag involving 120 caro ng mga poon.
Tradisyon na ang prusisyon sa baliuag at limang taon na si Hermano Jorge na nag-aasikado nito. Kaya umaasa kaming matutuloy pa rin ito.
Mikael, nahawa sa pag-e-emote ni Coney
MASAYA si Mikael Daez dahil nabigyan siya ng heavy drama role sa Love of my Life together with Coney Reyes.
Hindi gawang biro na makaeksena ang isang Coney Reyes na napakaseryoso sa pag-arte.
Noong crying scene nila ni Coney, nakahahawa ito sa pag-emote. Rati patawa-tawa lang ang papel ni Mikael pero ngayon tipong pang-award na.
Maging sina Carla Avellana, Rhian Ramos, at Tom Rodriguez, ayaw patalbog kapag kaeksena si Coney.
Pananakit kay Jaime Fabregas, ‘di katanggap-tanggap
MAY nagtatanong kung dapat pa bang ipakita sa telebisyon ang isang aging actor tulad ni Jaime Fabregas na binubugbog sa loob ng selda na iniutos ni Lorna Tolentino?
Masakit sa paningin na makakita ng ganoong tanawin.
Ano kaya ang comment ng MTRCB sa bagay na ito? Sobra kasing kalapastangan ang ganoong gawain sa isang matanda.
Tiktok ni LT, patok
PATOK si Lorna Tolentino sa TikTok. Nakawawala ng galit sa mga pinaggagawa niya kay Rowell Santiago sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Pati pananamit ni LT ay hindi pinaligtas ng netizen na ‘ika nila’y nakatitipid ang aktres dahil iisa ang gamit na damit na puro pula.
Nora Aunor, ‘di nagpasindak kay Divina Valencia
PUMALAG si Nora Aunor noong taray-tarayan siya ni Divina Valencia, ang dating sex symbol noong dekada ’60, sa seryeng Bilangin ang Bituin sa Langit.
Milyonarya ang papel ni Divina at katulong si Guy. Noong api-apihin ng una si Ate Guy, sumiklab ang galit nito at halos ikamatay ni Divina sa eksena.
***
BIRTHDAY greetings kina Vice Gov. Jolo Revilla, Boji Molina, violinist John Lesaca, Marilou Bendigo, Sarah Balabagan, Rodel Lugo ng PM, Melba Roa, Julia Barretto, KZ Tandingan, at Art Atayde.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales