KABILANG ang young singer/actress na si Erika Mae Salas sa umaasam ng katarungan para sa SAF44.
Matatandaang 44 members ng SAF (Special Action Forces) ang nasawi matapos magsagawa ng operation sa mga teroristang sina Zulkifli Abdhir (Marwan) at Abdul Basit Usman. Napatay dito si Marwan at nakatakas naman si Usman.
Esplika ni Erika Mae, “Aware po ako sa sinapit ng SAF44 at naging malaking isyu po ito noon. Kasama po ako sa mga nakikisimpatiya sa families ng ating mga sundalo. I pray that they get the justice due to them.”
Ang nasabing insidente sa Mamasapano na nangyari noong January 25, 2015 ay gagawing pelikula ng Borracho Film Production titled 26 Hours: Escape From Mamasapano.
Thankful si Erika Mae na magiging bahagi siya ng pelikulang base sa SAF44 na tatampukan nina Edu Manzano, Ritz Azul, at Myrtle Sarrosa. Plano rin na kunin dito si Arjo Atayde bilang isa sa lead stars.
Sa ngayon ay hindi pa alam ni Erika Mae ang magiging papel niya rito, pero nagpahayag siya ng labis na kasiyahan. “As of now po ‘di ko pa po alam iyong magiging role ko sa movie, pero kahit po anong ibigay sa akin maliit man po ay very grateful and honored po ako na mapabilang sa movie,” saad ni Erika Mae.
Wika niya, “Sobrang saya ko po nang nalaman ko na kasama po ako sa movie. Very thankful po ako kay Tita Anne (Venancio) ‘coz she gave me this opportunity. Malaking boost po ito sa career ko. And thankful din po ako kay God dahil maganda ang pasok ng 2020 sa career ko. Hopefully magtuloy-tuloy pa po ang mga blessing.
“This is my third movie po, iyong isa is under Timeless Production at iyong Spoken Word po under RLTV Production na napabilang sa official soundtrack ang single ko na Ako Nga Ba which is released by Viva Records and is now out on all digital store po.”
Ang sumusulat ng script ng 26 Hours: Escape From Mamasapano ay si Eric Ramos at ito’y pamamahalaan ni Direk Lawrence Fajardo.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio