Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Darren Espanto BeauteDerm baby na, pinasalamatan ang Darrenatics!

SI Darren Espanto ang itinuturing na baby ng BeauteDerm family. Ito ay ayon mismo sa owner at CEO ng BeauteDerm na si Ms. Rhea Tan. Bukod kasi sa pinakabata, si Darren din ang latest ambassador ng kompanya ni Ms. Rhea. Hanep nga ang ginawang pag-welcome kay Darren ng lady boss ng BeauteDerm. Ginawa ito sa Luxent Hotel at umulan ng pa-raffle na cash that afternoon.

Thankful naman si Darren na maging bahagi ng pamilya ng Beautéderm. “I am so honored now that I am finally part of the Beautéderm family,” aniya.

Dagdag ni Darren, “Very grateful po ako sa tiwala na ibinigay sa akin ni Mommy Rhea. I love the products of Beautéderm and this is a brand that I really use for my personal hygiene and grooming. Ngayon masasabi ko na proud Beautéderm brand ambassador ako.”

Ayon kay Ms. Rhea, “He is a total performer at ang dami niyang fans at hindi rin ako nahirapang kunin siya para sa Beautederm. I’m glad that he is now a part of our growing family.

“I am equally honored to welcome Darren to the Beautéderm family. Naniniwala ako na Darren will be very instrumental for the brand to reach a younger market. Isa si Darren sa biggest young stars natin ngayon pero he remains very humble and he is one of the most pleasant and nicest artists that we ever worked with. We at Beautéderm are overjoyed to have him in on-board.”

Bukod kay Ms. Rhea, pinasalamatan din ni Darren ang kanyang Darrenatics. “For me, this is really true na talagang kung wala sila ay wala rin po ako rito. Kasi hindi ko po ini-expect after ng The Voice Kids na magkakaroon ng fandom na sarili ko, na Darrenatics. I’m very thankful to have them, sa lahat po ng efforts nila, I appreciate it so much. Kasi hanggang ngayon ay sobrang solid pa rin po nila, after everything that we’ve been through.”

Nakangiting pahabol ni Darren, “It’s crazy, kasi hindi naman nila ako kilala, parang nakita lang nila ako sa TV, tapos biglang sinuportahan na po nila ako. So, maraming-maraming salamat po sa Darrenatics, I love you guys!”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …