Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sarah Geronimo Matteo Guidicelli Mommy Divine
Sarah Geronimo Matteo Guidicelli Mommy Divine

Sarah, nalagay sa alanganin dahil kay Mommy Divine

WALANG kumontra sa secret wedding na ginawa nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli maliban kay Mommy Divine na gumawa pa ng eskandalo.

Grabe. Hindi dapat mangyari ‘yon dahil nanay pa naman siya ng pinakasikat na singer sa showbiz. Dapat niyang malaman na si Sarah ang nalalagay sa alanganing sitwasyon. Si Sarah ang napipintasan sa nangyayaring kaguluhan.

Tama lang na mag-asawa na si Sarah dahil baka sa pagdaan ng panahon hindi na siya magka-anak.

 

Rowell, madaling napaiikot ni LT

MARAMI ang naaasar kay Rowell Santiago bilang pangulo sa FPJ’s Ang Probinsyano. Manhid ba siya at hindi nalalamang niloloko lang ni Lorna Tolentino?

Tila hindi niya nararamadaman na ginagawa ni LT ang lahat para mapasakamay ang kapangyarihan bilang first lady.

Hindi ba nararamdamaan ni Rowell na patuloy ang paghina ng katawan niya habang iniinom ang gamot na ibinibigay ni LT?

May nagkomento kung mayroon bang first lady na laging nasa tabi ng pangulo at katsika kahit sinong bisita? Hindi ba dapat may sariling kuwarto ito at hindi parampa-rampa sa loob ng palasyo?

Marami tuloy ang namumuhi kay Lorna ngayon.

 

Rita, na-bash dahil sa pangungutya sa Pangulo

HINDI akalain ni Rita Avila na malalagay siya sa alanganing sitwasyon  buhat gampanan ang isang controversial na papel sa pelikulang Walang Kasarian ang Digmaang Bayan na idinirehe ni Jay Altarejos. Si Jay din ang direktor ng Lalake sa Parola.

Inulan ng bashers si Rita dahil sa patutsadang dialogue kay Pangulong Digong na siya ring sanhi para malaglag sa Sinag Maynila Film Festival 2020.

Kuwento ni Rita, ginampanan lang niya ang karakter na hinihingi sa istorya  at hindi puwedeng sabihin sa tunay na buhay niya binitiwan ang mga salitang iyon laban kay Digong.

Sana raw ay maunawaan ng mga manonood na gumaganap lang siya sa naturang papel at sana maunawaan siya ng mga basher.

 

Suweldo ni Nora sa serye, ipinamimigay sa staff at crew

MARAMING mga kabataang taga-Malolos, Bulacan ang natuwa noong ipadala sa kanila ni Nora Aunor ang napanalunangP35K mula sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga.

Hindi naman nakapagtataka ang inugaling iyon ng superstar dahil sa taping man ng kanyang Bilangin Ang Bituin Sa Langit, ibinibigay din niya ang suweldo sa mga staff at crew.

Hindi mayaman si Nora pero kaligayahan talaga ang tumulong sa kapwa.

Hindi nga ba minsang nagpalagay lang ng gasolina si Guy at noong may nakitang mga bata ipinatawag sa driver at binigyan ng pera. Masaya si Guy sa ginagawa niya.

Samantala, maganda ang bahay na ipinagagawa niya sa Iriga sa Bicol. Kaya niya ipinagawa iyon ay para may mauwian siya sakaling magretiro na sa showbiz.

***

BIRTHDAY greetings sa mga March born—Maine Mendoza, Gino Padilla, Cassandra Ponti, Morly Alinio, Bianca Umali, Mayra Yap ina ni Melissa Mendez, Vilma de Guzman at Gabby Eigenmann.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …