WALA na raw datung ngayon ang isang male star. Ang masakit, wala na rin siyang masyadong makuhang datung sa kanyang “personal sideline.” Naikot na yata niyang lahat ang maaaring magka-interest sa kanyang kliyente, at “disappointed” naman daw ang mga iyon sa kanya.
Iyon ang dahilan kung bakit ngayon nagsisimula na siyang ibenta ang lahat ng kanyang mga personal belongings kahit na palugi. Pati plantsa nga raw ipinabenta sa driver niya.
Pero mukhang mahal pa rin siya talaga ng girlfriend niya. Lahat ng kanyang mga naging kliyente ay “disappointed” sa kanya. Tanging ang girlfriend lang niya ang hindi na-disappoint. Dahil nga lang siguro sa mahal siya, pero may nagsabi sa amin, ”talagang very very disappointing, alam mo na, at saka ang smell,” sabi ng aming source.
Ganoon ba talaga?
(Ed de Leon)