Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Beautéderm, nag-level up kay Darren

SA kabilang banda, maingay na binuksan ng Beautéderm Corporation ang summer season sa pormal na pagsalubong nito kay Darren sa lumalaking pamilya bilang isa sa opisyal na top celebrity brand ambassadors nito.

Sa nakaraang dekada at patuloy pa, naging household name ang Beautéderm na pinagkakatiwalaan ng ‘di mabilang at tapat na consumers ‘di lamang dito sa Pilipinas ngunit sa iba’t ibang panig ng mundo na rin.

Nilikha at binuo ang Beautéderm ng President at CEO nitong si Rhea Anicoche-Tan gamit ang kanyang prinsipyo na nagsisimula ang kagandahan sa pamamagitan ng pag-aalaga sa sarili para maging mas malusog ang isang tao at magpapamalas ito ng kagandahan ‘di lamang sa panlabas ngunit sa panloob na rin.

Bilang isang respetadong lider ng industriya ngayon, mahalaga para sa Beautederm ang kaligtasan at pagiging epektibo ng mga FDA Notified products nito, na gumagamit lamang ng mga natural na sangkap na pinagsama-sama para makapagbigay ng pinaka-mabilis at pinaka-epektibong resulta na madaling mapanatili. Isang consistent Superbrands awardee, ipinagmamalaki ng brand ang 100 pabolosong mga produkto, kasama na rito ang flagship brands nito gaya ng Beautederm Skin Set para sa mukha at katawan; Beautederm Purifie Facial Wash; Beautéderm Home line na kinabibilangan ng soy candles, room at linen sprays, at air diffusers; ang bagong line nito na Spruce & Dash men’s line at marami pang iba – lahat ay pawang top-selling products.

Ngayon, may pisikal na stores ang Beautederm sa buong bansa at isa sa Singapore at nalagpasan na ang 100 physical-store mark na sinimulan noong 2019 at naghahanda na ang kompanya sa 200 physical stores ngayong 2020.

Ngayong opisyal na siyang brand ambassador, si Darren Espanto ang kakatawan sa buong Beautéderm Corporation sapagkat pareho nilang sinisimbolo ang pagkauhaw sa excellence at ang patuloy na pagpupursige na makapagbigay ng mtaaas na kalidad ng trabaho na karapat-dapat sa publiko.

Sa murang edad na 18, sumikat si Darren matapos siyang sumali sa unang season ng The Voice Kids Philippines sa ABS-CBN sa edad na 12. Bilang isa sa mga main artists na mapapanood linggo-linggo sa ASAP Natin ‘To sa Dos, isa si Darren sa pinaka-mainit na young superstars ng bansa sa kanyang chart-topping singles, sold-out concerts, numerous awards, at multi-platinum studio albums.

“I am so honored now that I am finally part of the Beautéderm family,” sabi ng isang masayang Darren. ”Very grateful po ako sa tiwala na ibinigay sa akin ni Mommy Rhea. I love the products of Beautéderm and this is a brand that I really use as my personal hygiene and grooming. Ngayon masasabi ko na proud Beautéderm brand ambassador ako.”

“I am equally honored to welcome Darren to the Beautéderm family,” sabi naman ni Rhea. “Naniniwala ako na Darren will be very instrumental for the brand to reach a younger market. Isa si Darren sa mga biggest young stars natin ngayon pero he remains very humble and he is one of the most pleasant and nicest artists that we ever worked with. We at Beautéderm are overjoyed to have him in on-board.”

Tunay ngang kapana-panabik ang adventure ng Beautéderm at ni Darren at tiyak na gagawa sila ng dazzling milestones na hindi pa nakikita o nadarama ng lahat.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …