NAAWA naman kami sa isang female star nang tumulo na lang ang luha nang may magsabi sa kanya na patuloy na nagwawala ang boyfriend niya na halos gabi-gabi ay kasama ng mga bading.
Wala na kasi halos kinikita si female star sa ngayon. Hindi na niya masyadong nabibigyan ng pera ang boyfriend niyang wala rin namang kinikita ng legal, kaya hindi niya mapigil na makipag-date sa mga bading.
“Wala kasi siyang ibang trabahong nakasanayan,” sabi ng isa naming source na close sa dalawa, kaya wala na ring magawa ang babae, ayaw man niya ng ginagawa ng boyfriend niya. Sana huwag na lang magkasakit si boyfriend dahil sa papalit-palit ng partner na bakla.
Baka mahawa pa sa kanya ang female star.
(Ed de Leon)