Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carlo, sa tuktok ng bundok gusto magpakasal

HANDANG mag-ninang at sagutin ang magiging reception ng kasal ni Carlo Aquino ng mabait at very generous na CEO-President ng Beautederm na si Ms Rhea Anicoche-Tan sakaling desidido na itong lumagay sa tahimik at pakasalan ang non-showbiz GF na si Trina Candaza.

Tsika ni Ms Rei sa mediacon ni bilang endorser ng Spruce and Dash, ang bagong produkto ng Beautederm, “Kung gusto mo, akin din ‘yung reception, lahat. Para sa ‘yo.”

Dagdag pa ni Ms Rei, “Whatever makes you happy, andito lang si ate and kuya (husband niya) mo for you. Mahal na mahal ka namin.”

Sinabi naman ni Carlo na handa na siyang pakasal. “Nasa tamang edad na rin ako, 34 na ako. Titingnan natin sa mga susunod na ano, na buwan, taon?”

Wala rin itong balak isikreto ang magiging kasal nila ni Trina, “Hindi namin isisikreto, hindi lang na-inform ang mga tao,”  natatawang sabi ni Carlo.

Gusto nitong sa kasalan na mauwi ang relasyon ni lla ni Trina dahil natagpuan na niya sa kanyang GF ang mga hinahanap niya sa isang babae.

Pero walang katotohanan na engaged na sila ni Trina, pero if ever nga na ikakasal siya, gusto niyang sa tuktok ng bundok dahil mahilig siya sa nature.

Habang pasasalamat naman ang gusto nitong ibalik kay Ms Rei sa grabeng pagmamahal at tiwalang ibinibigay sa kanya at sa mga co-ambassador niya sa Beautederm na ang turing sa kanila ay pamilya.

Ang mga bagong produkto ng Beautederm na Spruce & Dash ay isang patented line of amazing products na nilikha para sa mga kalalakihan.

Lahat ng mga produkto sa ilalim ng Spruce & Dash men’s line ay FDA Notified at kinabibilangan ng limang essential products na kailangan ng mga kalalakihan para sa kanilang pang-araw-araw na grooming.

Ang mga produkto ng Spruce & Dash ay kinabibilangan ng Beau Charcoal Soap; Hugh Shaving Cream; Brawn Anti-perspirant White Spray for both foot and underarms; Charcoal Charmer Detoxifying Peel-off Mask; at Lad Hair Pomade at lahat ng ito ay ginagamit ni Carlo.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …