Saturday , November 23 2024

80s SaturDATE kasama si Marco Sison

A must see musical spectable ang magaganap tuwing Sabado kasama si Marco Sison. Ito ang An 80s SaturDATE With Marco Sison na magaganap sa Teatrino, Promenade, Greenhills sa Marso 14, 21, at 28.

Ang 80’s SaturDATE ng balladeer ay ididirehe ni Calvin Neria at  si Bobby Gomez ang musical director.

Bale ito ang kauna-unahang major, solo concert ni Marco ngayong 2020.

Sa kanyang kamangha-manghang karera na tumatakbo na ng mahigit na apat na dekada, kinikilala si Marco ‘di lamang dito sa Pilipinas pati sa buong mundo bilang isa sa mga haligi ng OPM dahil sa kanyang mga mammoth hits gaya ng My Love Will See You ThroughSi Aida, O Lorna, O Si FeI’ll Face Tomorrow, Make Believe, at marami pang iba.

Ang 80s SaturDATE rin ang highly-anticipated follow-up project ni Marco matapos ang matagumpay niyang kolaborasyon kasama ang kapwa iconic artists na sina Rey Valera at Dulce sa kanilang Beyond Timeline concert, na idinaos late last year sa isang SRO crowd sa Music Museum.

Tiyak kapapanabikan ng mga loyal fans ni Marco at mga music ang espesyal na concert series na ito sapagkat live na live niyang aawitin ang mga homegrown ballads ng dekada 80, mga anthemic love songs, ang kanyang hits, at sa kauna-unahang pagkakataon aawitin niya ang mga dance tunes ng dekada 80 para tumodo sa party ang mga manonood.

“Very excited ako to perform in this series. Masaya ito dahil very intimate venue ang Teatrino and this will give me the opportunity to bond and interact with the audiences,” sabi ni Marco. “Matagal na rin mula ng nag-perform ako sa isang concert series and I’m looking forward to spend my Saturdays with my fans and perform with my special guests.”

Makakasama ni Marco bilang special guests niya sina Dulce at George Castro sa Marso 14; Rey Valera sa Marso 21; at Kuh Ledesma sa Marso 28.

Ang SaturDATE ay produksiyon ng Echo Jham Entertainment  Productions. Para sa tikets kontakin ang TicketWorld sa 8891-9999 o bisitahin ang www.ticketworld.com.ph o kontakin ang Music Museum at 87212949 or 87216726.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *