Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PSKO ng KWF sa Rehiyon 9, nakaasinta na

NAKAASINTA na ang isasagawang Panrehiyong Seminar sa Korespondensiya Opisyal (PSKO) ng Komisyon sa Wikang Filipino sa buong Rehiyon 9 na mangyayari sa Dapitan City Resort Hotel and Pavilion, Lungsod Dapitan, Zamboanga del Norte mula 26–27 Pebrero 2020.

Higit 150 kawani ng pamahalaan ang dadalo sa dalawang araw na pagsasanay sa paggamit ng wastong Filipino at pagsulat ng mga opisyal na korespondensiya.

Kabilang sa mga tatalakaying paksa ang Ortograpiyang Pambansa (OP), Korespon­densiya Opisyal (KO), at pagsasalin para sa mga empleado ng pamahalaan.

Pangungunahan nina Akting Tagapangulo ng KWF Arthur P. Casanova at Alkalde Rosalina G. Jaloslos ang programa sa unang araw.

Pagtalima ito sa EO 335 na humihimok sa mga ahensiya ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino bilang opisyal na wika ng komunikasyon at korespon­densiya sa serbisyo publiko.

Itinataguyod ito ng KWF sa tulong ng DILG, Western Mindanao State University, at Jose Rizal Memorial State University.

Kinikilala ng KWF taon-taon ang mga huwarang ahensiyang gumagamit ng Filipino sa pamamagitan ng Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko.

Ilan sa mga LGU na pinagkalooban nito ang Lungsod Taguig, Lungsod Mandaluyong, Lungsod Maynila, at Lungsod Santo Rosa.

Para sa mga nais magsagawa ng PSKO sa kanilang pook o ahensiya, maaaring magpadala ng email sa [email protected].

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …