Wednesday , January 1 2025

Chicharon Festival, idaraos sa Sta. Maria

BILANG huling hirit sa buwan ng Pebrero, idaraos sa bayan ng Sta. Maria, sa lalawigan ng Bulacan ang ika-13 Chicharon Festival sa 29 Pebrero na taon-taong ginaganap sa nasabing bayan.

Ang taunang Chicharon Festival ay idinaraos bilang huling bahagi ng pagdiriwang ng kapis­tahan ng Patron ng Sta. Maria, ang Immaculate Concepcion na ginaganap tuwing unang Huwebes ng Pebrero.

Sa pagdiriwang ng naturang okasyon, magpapakita ang mga manggagawa ng chicharon ng kanilang produkto sa iba’t ibang yari, laki at hugis.

Magkakaroon din ng cooking festival ukol sa paggawa ng chicharon na kapapalooban ng mga bago at iba’t ibang recipe.

Dahil kilala ang Sta. Maria sa chicharon, mayroon itong malagong agri-based industry na nakapokus sa poultry at hog raising.

Pangunahing pinanggagalingan ang mga swine farms ng baboy na ang mga balat nito ay ginagawang malulutong na chicharon.

Natunton ang orihinal at pinakaunang gumawa ng chicharon sa Sta. Maria kay Pacita dela Torre-Tuazon, na imbes itapon ang mga tira-tirang balat ng mga kinatay na baboy ay ginawa niyang chicharon saka ibinenta hanggang lumago at gumaya na rin ang ilan niyang kapitbahay.

Dito lalong nakilala ang Sta. Maria at dumarami pa ang mga recipe ng chicharon na kanilang naiimbento tulad ng chicharon steak, chicharon bituka, chicharon laman, chicharon bulaklak, chicharon bilog at marami pang iba.

Ang pagdiriwang ng Sta. Maria 13th Chicharon Festival sa 29 Pebrero ay pangungunahan nina Mayor Yoyoy Pleyto at Vice Mayor Ricky Buenaventura. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM malls in Marilao, Baliwag, and Pulilan wrap up 2024 with a heartfelt gift-giving and …

Sa Bulacan 20K TRABAHADOR TARGET NG PRECAST FACTORY

Sa Bulacan  
20K TRABAHADOR TARGET NG AUTOCLAVED AERATED CONCRETE (ACC)

ISINAGAWA ang groundbreaking ceremony ng Philippine High Speed New Materials Company  Inc., sa loob ng …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *