Thursday , December 26 2024

Shanti Dope, ‘di nalimitahan ang pag-compose ng musika

HINDI papapigil si Shanti Dope para hindi na makasulat ng mga musikang inaakala niya’y magsasabi ng katotohanang o makapaghahayag ng kung anuman ang nararamdaman.

Kahapon sa launchig ng Padi’s Barkada Bar Tour natanong ang magaling na rapper ukol sa pagppatigil sa kanyang kantang Amatz na i-play sa mga radio station dahil sa umabo’y mensahe nitong paggamit ng marijuana, ilang buwan na ang nakararaan.

Okey naman po. Nakakagawa na nga po ako ng bagong kanta. Okey lang ang nangyari kumbaga parte na ‘yun ng history ng karera ko na balang araw eh maikukuwento ko sa magiging anak ko.

Hindi ko naman tinanggap ‘yun na para matakot,” sambit pa ng aktor.

Nilinaw niyang hindi siya naapektuhan ng nangyari. Aniya, “hindi naman ako naapektuhan. Naisip ko naman kasi na nasa pagtanggap naman iyon ng tao kung paano nila ii-interpret ‘yung sinasabi. At ‘yun ang pagkaka-interpret nila kaya wala akong magagawa roon. Nasa kanya-kaya talaga tao ng pngtanggap ng maririnig natin kung paano mo siya iisipin.”

Hindi rin naapektuhan ang patuloy na pag-compose ng kanta ni Shanti Dope. “Sa totoo lang kumbaga dala na rin siguro niyong kabataan. Simpleng choice of words na lang, maging maingat. Pero sa totoo lang ayoko ring limitahan ang sarili ko sa gagawin ko kasi ‘yun talaga ang honest na ikaw eh. Kapag sinabi nila ang totoo. So hindi ko po hinahayaang malimitahan.

Nalimitahan lang siya pagdating sa radyo. “Kasi hindi na siya na-play sa radyo pero ok lang kasi hindi naman siya naalis sa Youtube.”

Samantala, mas bonggang party ang hatid sa lahat ng pinakamalaki at number 1 restaurant & bar chain, ang Padis.

Ang Padis na mas kilala sa tawad na Padi’s ay walang duda na nangunguna pa rin bilang leader at party place sa bansa with 26 operational branches Luzon-wide.

Kilala ang Padi’s bilang paboritong gimikan ng barkada. Known to its nightly entertainment of live bands, best DJ’s na maghahatid ng mga in na dance music at popular hits. Dinarayo rin ang Padi’s sa mga pagkain at drinks na ginawa para sa barkada-sharing such as the party of six, barkada feast and the signature 3-liter padi’s cocktail towers!

Ngayong 2020, level up na ang resto-bar scene bilang pagpapakita ng appreciation sa milyon-milyong kabarkadas bilang isa sa matagal na panahon, ang iba’t ibang branches ng Padi’s pa rin ang kanilang go-to-place sa iba’t ibang selebrasyon.

Nakipag-tie-up sila sa Asindata para sa kanilang Padi’s Barkada Bar Tour 2020.

Dahil sa Barkada Bar Tour, mag pagkakataong mapanood sa Padi’s ang ilang naggagalingang musikero tulad nina Gloc 9 at Shanti Dope na magbibigay-saya mula May hanggang June 2020 sa may 11 Padi’s branches.

Kasama rin sa magpapasaya ang JKris, si rap acoustic Lirah, ang hit making rock alternative band na Sandiwa.

Mapakikinggan sila sa February at June at naka-sched silang magparinig ng musika sa Padi’s Binan sa February 29 tampok sina JKris at Lira na susundan ng performance ni Lira sa March 12 sa Padi’s Baguio.

Para sa kompletong Barkada Bar Tour schedule, mag-log-on lang sa www.padispoint.com..

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *