Thursday , November 21 2024

More Than Blue, magpapa-iyak at magpapa-inlove sa mga Pinoy

Ang highest-grossing ng Taiwan na More Than Blue ay narito na para magpa-inlove at magpa-iyak.

Ang More Than Blue ay tungkol kay Chang a.k.a K (Jasper Liu), isang lalaking may malubhang karamdaman at may taning na ang buhay, at kay Song a.k.a Cream (Ivy Chen) na bestfriend niya. Matagal na silang magkaibigan at nakatira sila sa iisang bahay, ngunit wala silang romantic relationship. Pero ang totoo, high school pa lang ay inlove na si K kay Cream. At dahil ayaw niyang maiwang mag-isa si Cream kapag namatay siya, naisip niyang tulungan ito na hanapin ang kanyang Mr. Right. Pero kaya ba talaga ni K na makita ang taong mahal niya na masaya sa piling ng iba? At ito ba talaga ang gusto ni Cream? Ang maging masaya na hindi kasama ang kaniyang bestfriend?

Ang More Than Blue ay remake ng isang South Korean film na may parehong title na ini-release noong 2009. Unang lumabas ang pelikula sa Taiwan noong November 2018 at sa unang tatlong araw ay tumabo agad ito ng NT$32 million. Nine days mula nang ipalabas ang pelikula, nalagpasan na ng More Than Blue ang NT$100 million mark, at tinalo ang box office speed record ng hit Taiwanese movie na Our Times na lumagpas sa NT$100 million mark sa loob ng 10 araw. Sa 11th day ng release ay umabot na sa NT$135 million ang kinita ng pelikula, at officially ay naging highest-grossing Taiwanese film of 2018.

Maganda rin ang pagtanggap na nakuha ng More Than Blue sa 23rd Busan International Film Festival na ginanap noong October 2018. Sold out sa loob ng limang minuto ang 5,000 tickets ng pelikula sa festival, at nanalo sina Jasper Liu at Ivy Chen ng Face of Asia award.

Ang main cast ng pelikula na si Jasper Liu at Ivy Chen ay parehong mga in-demand stars sa Taiwan. Ang 33-year-old na si Jasper Liu ay nagsimula bilang isang model, bago siya sumabak sa acting noong 2011. Simula noon, naging isa na siya sa mga prominent actors sa Taiwan. At noong August 12, araw ng kanyang kaarawan, nag-release si Jasper ng full version ng theme song ng More Than Blue entitled A Kind of Sorrow, na naging marka ng kanyang debut bilang solo singer.

Nagsimula ang career ni Ivy Chen noong 2002, nang lumabas siya sa maraming commercials at music videos. Noong 2010, natanggap niya ang kauna-unahang Best Actress award sa 12th Taipei Awards para sa kanyang performance sa romantic comedy film na Hear Me. Simula noon ay nakatanggap pa siya ng mga nominasyon para sa kanyang pagganap sa iba’t ibang pelikula.

Sa More Than Blue, sina Jasper Liu at Ivy Chen ay may perfect chemistry kaya mas naging heartwarming at heartbreaking ang pelikula.

Tiyak makukuha mo rin ang More Than Blue fever ‘pag lumabas ito sa February 26 sa lahat ng SM cinemas, mula sa Viva International Pictures.

About hataw tabloid

Check Also

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *