Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah GG, balik-trabaho na

ILANG araw pa lang ang nakararaan matapos ang pinag-usapang kasalan, balik trabaho na agad si Sarah GeronimoGuidicelli.

Ayon sa abs-cbnnews, isang masaya at kumikinang na Sarah ang nagpakita sa ABS-CBN compound kahapon ng umaga para sa taping ng Battle Rounds ng The Voice Teens Philippines, na isa si Sarah sa mga coach.

Kapansin-pansin din ang napakakintab na engagement at wedding ring na suot ni Sarah na masaya niyang ipinakita sa mga nag-request na makita iyon.

Bago ito’y agad naging viral ang isang picture ng mag-asawang Sarah at Matteo Guidicelli kasama ang pamilya nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Ito kasi ang unang picture nina Sarah at Matteo matapos ang kanilang controversial wedding.

Isa si Juday sa pinaka-close na artista kay Sarah. Nakababatang kapatid nga ang pagtingin dito ng batang superstar.

Sa picture na ibinahagi ni Bianca Rufino, isang masayang ‘family picture’ ang makikita na may caption na, “Celebrating life. Thank you for the yummy backyard BBQ feast Judy Ann, Ryan and cutie Agoncillo babies. Congratulations again Sarah and Matteo. Nothing but love. Ashmatt strong.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio  

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …