Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lovi ‘di inurungan, pakikipag-tongue to tongue kina Marco at Tony

HINDI namroblema ang direktor ng Hindi Tayo Pwede na si Joel Lamangan sa kanyang mga artistang sina Lovi Poe, Marco Gumabao, at Tony Labrusca nang ipagawa niya ang ilang matitinding sexy scenes.

Palaban ang tatlo sa laplapan at love scene at game na game sila sa anumang ipinagawa ng direktor.

Sabi nga ni Direk Joel, “tongue-to-tongue” ang mga kissing scene at todo hubaran ang ginawa nina Lovi, Marco, at Tony na tiyak ikasa-shock ng manonood.

Ani Direk Joel, “Hindi nila ako pinahirapan, lahat ng hiningi ko ibinigay nila at talagang sexy silang lahat. Parehong dila sa dila ang halikan nina Lovi at Tony, and Lovi with Marco. Hindi sila nagpatalo sa isa’t isa.

“Ang galing-galing nila sa love scenes, and lahat ‘yun one take lang,” kuwento pa ni Direk Joel.

Ang Hindi Tayo Pwede ay handog ng Viva Films na pinagbibidahan ng tinatawag na sexiest love triangle in Philippine cinema. Mula ito sa panulat ng iconic storyteller na si Ricky Lee.

Kuwento ito ni Gabby  (Lovi) na na-in love sa binatang may kaparehas ng kanyang pangalan (Tony) at may matalik na kaibigan na si Dennis (Marco).

Malapit nang ikasal sina Gab at Gabby, ngunit isang aksidente ang kumitil sa buhay ni Gabby. Si Dennis ang naging karamay ni Gab.  Nang magtapat si Dennis ng kanyang pagmamahal sa kanya, hindi nakaiwas ang dalaga na makasiping ito.

Sinasabing ito ang pinaka-daring ni Lovi bagamat nakagawa na siya ng  maseselang love scenes sa ibang pelikula niya tulad ng The Annulment. Sina Tony at Marco naman ay itinuturing na dalawa sa mga hottest heartthrob. Naging sensational si  Labrusca sa Glorious at intense naman si Gumabao sa Just a Stranger.

Mapapanood ang Hindi Tayo Pwede sa mga sinehan simula March 4, 2020.  Ang kantang Hindi Tayo Pwede ng The Juans ang official theme song ng pelikula at mayroon na itong 45-Mstreams in various platforms.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …