Sunday , December 29 2024
PINANGUNAHAN ni Bishop Gerry Alminaza ng Diocese ng San Carlos, kasama sina Fr. Edwin Gariguez, Executive Secretary ng  NASSA/Caritas Philippines; Teody Navea ng Philippine  Movement for Climate Justice (PMCJ) - Cebu; Gerry Arances, Executive Director ng Center for Energy, Ecology, and Development (CEED); Yolly Esguerra, National Coordinator ng Philippine Misereor Partnership, Inc. (PMPI); Caryl Pillora, Policy Officer ng Alyansa Tigil Mina (ATM); Atty. Gia Ibay, Head ng Climate and Energy Programme ng WWF-Philippines; at Rodrigo Montemayor, kinatawan ng mga komunidad na apektado ng coal sa Toledo; ang paglulunsad ng ECO-CONVERGENCE na sama-sama at nagkakaisang hinihimok ang mga banko sa Filipinas na putulin o tuluyan nang bawiin ang ibinigay na pondo sa mga industriyang gumagamit ng karbon bilang pinagkukunan ng enerhiya na labis na nakalalason sa mamamayan at sa kalikasan.

Church leader sa PH banks: Pondo sa karbon, ihinto 

NAGKAPIT-BISIG ang Church leaders at civil society organizations upang himukin ang Philippine financial institutions na sinabing patuloy na nagpopondo sa coal industry bagamat alam nilang labis na nakapipinsala ang ‘dirty fuel’ sa kalusugan ng mga tao, kalikasan at klima sa buong mundo.

Sa press conference, inilunsad ang Visayas-wide Church – CSO Empowerment for Environ­mental Sustainability (ECO-CONVERGENCE), na pinangunahan ng faith-based organizations at environmental advocates mula sa buong Visayas island group at national organizations upang hikayatin ang mga kinauukulan na solusyonan ang nararanasang ‘climate’ at ‘ecological crisis’ na nararanasan ng bansa sa kasalukuyan.

Ang pagpupulong ay pinangunahan ni Bishop Gerry Alminaza, Diocese ng San Carlos, kasama sina Fr.  Edwin Gariguez, Executive Secretary ng NASSA/ Caritas Philippines; Teody Navea ng  Philippine  Movement for Climate Justice (PMCJ) – Cebu, at Gerry Arances, Executive Director  ng   Center for  Energy, Ecology, and Development (CEED).

Sa kanilang pagpupulong, hiniling ng grupo sa mga banko sa bansa na itigil ang pagpopondo sa karbon na nagbibigay ng kapangyarihan sa ‘coal developers’ na patuloy na lumalason sa mamamayan at kalikasan sa bansa.

“We call on the Filipino public, the depositors and shareholders of local banks, to join us in strangling the lifeblood of coal power plants in the country. Through this action, we can properly act to respond to the climate emergency we all face,” paghikayat ng nabanggit na grupo.

Anila, noong Oktubre 2018, ay inilathala ng Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC) ang isang ‘special report’ na umano’y tumaas nang 1.5°C  ang  global temperature, na nagsilbing “wake up call” sa mga walang pakundangang nagbubuga ng mga nakalalasong emisyon.

Ngunit sa kabila ng mapanganib na dala nito, ang 1.5°C pagtaas mula sa ‘pre-industrial levels’ ay maari pang ipag­palagay na “best possible scenario” pa rin dahil may tsan­sa pa uma­nong makaya­nan ito  ng sangka­tauhan, maging ng mga ‘species.’

Gayonman, nagbabala umano ang IPCC na ang mundo ay may natitirang 12 taon upang bumuo ng  radikal na paglilipat sa ‘low-carbon societies’ kung nais pa natin makaabot pa ng 1.5 ‘lifeline.’

Sa 12-year deadline na kailangang gumamit ng ‘coal’ o karbon, na itinuturing na pinaka­maruming ‘fossil fuels,’  dapat umanong mabawasan ito mula sa 2010 levels ng 78% sa 2030, at maging ‘zero’ sa 2050.

Ang Filipinas umano ay makailang ulit nang tinaguriang ‘most threatened by climate change’ dahil sa pagggamit ng karbon na pinagkukunan ng enerhiya, kaya kinakailangang manguna at tiyakin na hindi mapapayagan ang ‘coal bids’ na labis na makaaapekto sa global warming.

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *