Wednesday , February 18 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Naglalakihang artista, pumirma pa rin ng kontrata sa ABS-CBN (tiwalang ‘di magsasara ang network)

MUKHA ngang dahil sa pagtitiwala na ano man ang gawin ay hindi maaaring masara ang ABS-CBN, talagang pumirmang muli ng kontrata sa kanila ang maraming mga star. Kabilang sa mga muling pumirma ng exclusive contract sa Kapamilya Network ay sina Karla Estrada, Ogie Alcasid, at Donny Pangilinan. Nauna riyan muling pumirma ng kontrata para sa network si KC Concepcion. Iyong mga malalaking artista, aba eh matitinik din ang advisers niyan. Kung sa tingin nila tagilid ang network hindi sila pipirma ng kontrata riyan.

Hindi ba iyon nga ang ibinubutas ng ibang mga kritiko ni Angel Locsin, dahil panay na panay daw ang pagpabor sa network pero hindi pumirma ng bagong kontrata. Pero sinabi naman ni Angel na ang dahilan ay dahil naghahanda siya para sa kanyang pagpapakasal. Natural pagkatapos ng kasal hindi niya alam kung magbubuntis siya agad, paano nga naman ang mangyayari kung may kontrata siya?

At mapapansin din na ang mga star nila, lahat ay buo ang tiwala na magpapatuloy ang kanilang career at hindi nga iniinda ang controversies na may kaugnayan sa kanilang franchise.

Aba eh bakit naman sila kakabahan, bukod sa sinasabing marami naman ang mas pabor na magpatuloy ang broadcast ng ABS-CBN, ang dami nilang hawak na platforms na siguradong may magagawa ang kanilang mga artista. Sila rin ang sinasabing may mga modernong equipment at makagagawa sila ng program content na tiyak pag-aagawan ng ibang mga network kung mapuputol nga ang kanilang broadcast sa free tv.

Bukod doon, naroroon nga ang paniniwala na hindi magtatagal, baka maging obsolete na rin ang free tv dahil nga sa mga pagbabagong teknikal na mangyayari sa loob ng mga dalawa o tatlong taon pa.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Jose Manalo Mergene Arime Resort

Jose may bagong resort sa Laguna

MAYROONG bagong negosyong resort si Jose Manalo sa Laguna. Ito ay ang Prime Resort na naka-post sa Facebook ng TVJ. …

Maris Racal Gian Bernardino

Paandar nina Maris at Gian ng Cup of Joe ‘di kinagat ng netizens

I-FLEXni Jun Nardo PRANK lang ni Maris Racal ang post sa social media na may bulaklak kasama …

Andrew Gan

Andrew Gan movie producer na, may malasakit sa movie workers

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG ganap na movie producer na ang aktor/businessman na si …

Martin Venegas Aga Muhlach Anne Curtis

Aga at Anne gustong makatrabaho ni Martin Venegas

MATABILni John Fontanilla PANGARAP makatrabaho ni Martin Venegas, isa sa bida ng Project Loki  sina Aga Muhlach at showbiz crush …

Ai Ai Delas Alas

Ai Ai hanap pogi at manlilibre ngayong Valentine’s Day

MATABILni John Fontanilla MAY panawagan ang lead actress ng pelikulang Batang Paco na si Ai Ai Delas Alas ngayong …