ANG latest single ng Millennial Pop Princess na si Janah Zaplan entitled Himbing ay na-release na last Feb. 7. Ito ay under Star Music at komposisyon ni Brian Lotho.
Paano niya ide-describe ang single niyang Himbing?
Tugon ni Janah, “Himbing is my fifth song po. Iyong kantang ito ay itinapat po talaga namin sa month of love dahil it is a love song, for the people na mas pipiliing matulog nang mahimbing at managinip dahil doon sila malayang nagmamahalan.”
‘Pang millennials ba ang song niya? “It’s for everyone naman po who can relate to that feeling, walang pinipiling generations,” sabi ng talented na dalagita.
Ang next ba ay magkaroon naman siya ng album? “Hmm, with that we’ll see po kung anong plans, pero as of now paunti-unti po muna.”
Kung may ire-revive siyang song, ano ang type niya? “Siguro po another love song, not sure lang kung ano,” matipid na saad ni Janah.
Walang particular, like song ni Sharon Cuneta or Jessa Zaragoza?
“Siguro po ‘yung kay Sharon, Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko, puwede po… or mga songs po ng Orange and Lemons and Eraserheads.”
Nabanggit din niya ang mapi-feel sakaling magka-album na. “Siyempre po pressured kasi hindi naman po puwede na basta-basta lang ‘yung mga ilalabas na song, everything has to be great, which for me is ‘yung personal or kung saan makare-relate ‘yung mga tao, as well as songs tackling social issues po sana.”
Idinagdag niyang sakaling magka-album nga siya, dream come true ito para sa kanya. “Yes of course. I think that’s every singers’ dream.”
Sino ang inspirations niya ngayon sa kanyang career? “Of course po ‘yung family kong ever supportive talaga sa akin sa lahat ng bagay, sila po talaga ‘yung nagpu-push sa akin to do more and better sa crafts ko. In addition to that, ‘yung mga idol ko sa buhay gaya nina Ms. Sarah (Geronimo), Ms. Moira (dela Torre) and bands like Ben & Ben, na sobrang heartfelt ‘yung mga ginagawang kanta, which I would like to do in the future as well.”
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio