INAASAHANG magdudulot ng kaligayahan ang inihahandang carnival-themed Children’s party ng Rotary Club of St. Ignatius para sa mga batang patient with disabilities (PWDs) ng Barangay Commonwealth, Quezon City.
Bilang pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng Rotary Club of St. Ignatius District 3780, maghahandog ang kanilang pamunuan sa 400 PWDs na may edad 6-13 anyos, ng isang espesyal na kasayahan sa darating na 25 Pebrero 2020.
Sa pahayag ni Moryula Geru M. Oliveros, President-Elect ng Rotary Club of St. Ignatius, isa sa mga pangunahing mithiin ng isang Rotarian ang matibay na pamamahagi ng paggawa ng kabutihan at pag-unawa sa kanilang komunidad.
“Kabilang rito ang pagtuklas ng ibang pamamaraan upang mapalawig ang pinakamabuting maidudulot sa mamamayan alinsunod sa diwa ng Rotary service. Kaya para sa selebrasyon ng aming 10th founding anniversary, karapat-dapat na ang mga batang patient with disabilities ang mabigyang saya sa araw na iyon,” paliwanag ni Oliveros, overall chairman ng nasabing event.
May temang “a decade of love and service,” magsisimula ang carnival children’s party dakong 9:00 am sa MRB Sports Complex, Brgy. Commonwealth.
Makatutuwang ni Oliveros si Rotary of St. Ignatius Champion of Service President (CSP) Jerome D. Oliveros para pangunahan ang espesyal na pagdiriwang ng kanilang isang dekadang anibersaryo.
Ibang karanasan aniya ito para sa mga batang patients with disabilities, sanhi ng iba’t ibang kadahilanan, hindi naipapasyal sa mga sikat na theme park gaya ng Enchanted Kingdom.
“Kaya kami na ang lumapit sa kanila para maranasan ng mga bata ang ganitong experience. Tiyak na matutuwa sila dahil para sila talagang nasa carnival na may train ride, mayroon din malaking inflatable slides, clowns, game booths, balloon twisting, jugglers, magic show.
Bukod sa buffet lunch, mayroon silang cotton candy, ice cream, at popcorn na makakain habang nagpa-party,” dagdag ng president-elect.
Pangunahing sponsor ng gaganaping carnival children’s party ang Prime Care Kaagapay Life Plan Inc. (PCKLPI) na nanunungkulan din si Moryula bilang President at Chairman of the Board.
“PCKLPIs mission is to provide a fulfilment of love by giving dignified and honourable service to our clients by creating an atmosphere of security through our cost-effective pre-need and funeral services as we serve with excellence, integrity, team collaboration, commitment and compassion,” pagtatapos ni Oliveros.