Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Netizen kay Robin: ‘Di ka ba nahihiya sa ABS-CBN lahat ng kamag-anak mo roon nagtatrabaho?

ROBIN, imbentor. Ito ang sigaw ng isang staff ng FPJ’s Ang Probinsyano matapos magpatutsada ni Robin Padilla kay Coco Martin bilang tugon ng isang netizen sa nagsabi sa kanya na gayahin na lamang ang actor na tumutulong sa mga artistang walang trabaho.

Sabi ni Robin, “Napakarami ko pong pelikula na nagawa ko na nagkataon lang na wala akong ganang mag pelikula dahil sa nangyayari sa likod ng camera matagal na pong practice yan natutunan lang po yan ni direk Coco sa mga naunang action stars siguro po mainam sabihin niyo po kay direk Coco na ‘wag bubuhusan ng tubig ‘yung mga crew na nakakatulog sa pagod at pagpatol sa location manager na babae. Si John Lloyd (Cruz) po ay isa sa mga artista ng abscbn na katulad ko ayaw na gumawa.”

Sagot ng staff dito, “Coco does not maltreat his staff and crew. Yung buhos tubig ay matagal na nilang laro sa mga teleseryes niya, sinisiguro niya na may pagkakakitaan ang may crew kapag natatapos ang programa. Katulad ng 12 binigyan niya ng pedicab panghanapbuhay. Halimbawa si scarface, dating crew na binigyan niya ng pagkakataong maging artista.”

Isang @mahusaymagpic din ang nagtanggol kay Coco at sinagot si Robin ng, Ano ba yan Binoe? Pati ang nananahimik na si Coco Martin na wala namang ginagawa sayo, ginagawan mo pa ng intriga? Simpleng bagay na hindi dapat maging isyu ginagawa mong big deal. Manahimik ka na lang kasi imbes na makabuti mas lalo lamang lumalala ang sitwasyon. Nandadamay ka pa ng ibang tao sa mga pinagsasabi mo. Umayos ka nga!!! Walang utang na loob!!!

Tinanong naman ng isang @pendong199x si Robin kung hindi siya nahihiya sa Kapamilya Network gayung marami siyang kamag-anak na nagtatrabaho sa ABS-CBN. Unang-una na ang kanyang asawang si Mariel Rodriguez, ang manugang niyang si Aljur Abrenica, ang kapatid na si Rommel Padilla, at ang pamangking si Daniel Padilla.

Ani @pendong199x, “Alam kong badboy thingy ang awra mo sa media, pero @robinhoodpadilla Hindi kaba nahiya sa mga pahayag mo laban sa abs-cbn? Halos lahat ng kamag-anak mo nagtatrabaho dun at dun kumikita at gumanda ang buhay, kaloka ka robin. Hindi ka nahiya, at isa pa hindi ako artista at empleyado ng abs cbn but sa ginawa mo nakakahiya sa parte ni daniel padilla, kung wala ang abs asan kaya si daniel padilla ngayon oh ang ibang kamaganak mo. Issue mo yang pagbayad ng tax at makabayan? Edi sana tumulong ka sa mahihirap diba sabi nga ang laki daw ng tf mo sa abs? Bakit di mo itulong lahat yun kung makabayan ka talaga, at kung sakaling magbabayad ang abs ng tax eh sa tingin mo saan kaya mapupunta yun? For sure sa bulsa ng mga kurup na gobyerno, no wander baka maambunan ka pa kasi dds ka. =Ø%Ý”

Nagpahayag din ng pagkadesmaya si @jessareal24 sa action star, anito,

“MAIBA LANG AKO NABASA KO SA ISANG POST NYO NA PATI SI COCO MARTIN NA NAPAKADAMING TINUTULUNGAN DINAMAY NYO SANA BAGO KA MAGBANGGIT ALAMIN MUNA KUNG TOTOO FOR YOUR INFO! ANG PAGBUHOS NG TUBIG N SINASABI NYO SA ISANG CREW AY ISA HONG P R A N K , BASA BASA DIN HO WAG HO TAYO MANDAMAY NG TAO NA DI KASAMA SA ISSUE , ok lang magbigay kayo ng opinyon nyo hanggang sa makakaya nyo pero ang manira ng isang mabuting tao at isangkot sa issue ay napaka mali,sayang ang paghanga nmin sayo robin,hindi masama sumuporta sa presidente pero wag nman sa punto na para ka ng tuta na sunod sunuran kahit na makasakit n kayo ng tao.”

Kinuwestiyon din ng netizen ang sinasabi ni Robin na pagiging makabayan nito. Ani @akosipinkranger, “Simulan tumayo daw ng walang alalay galing America. Pero pinanganak ang dalawa mong anak sa America! Sabi nga nila pag nanduro ka ng daliri ung isa sa kalaban mo ung 3 sa sarili mo! Kapal ng mukha mo! Wag mo sabhin na Pilipino ka kong puro lang salita!”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …