Thursday , December 26 2024

Baby Go, happy sa pagpo-prodyus at pagtulong sa movie industry

KATUWA naman ang malasakit na ipinakikita ng BG Productions producer na si Baby Go sa film industry. Paano naman grabe siyang tumutok sa negosyo niyang real estate para makabuo ng pera para sa paggawa ng pelikula.

Anang producer, ”Mahal ko ang showbiz at paggawa ng pelikula, kaya talagang gumagawa ako ng paraan para makahanap ng pera para maipang-prodyus ko. Hindi ko ikinahihiya iyon kasi marami akong natutulungan sa paggawa ko ng pelikula.”

Iginiit pa ng producer ng Latayisa sa limang full length movies na kasali aa Sinag Maynila Festival 2020 na bago siya gumawa ng pelikula ay tinitiyak niyang buo na ang budget.

“Ibinibigay ko na sa aking line producer, si Dennis Evangelista, ang budget bago kami magsimula ng movie,” anito. “At cash ang ibinabayad ko sa mg artista ko,” pagmamalaki pa nito.

Ikinuwento pa ni Go na kumita ang mga ipinrodyus niyang pelikula. “Nakailan na akong pelikula at kumita naman ako kahit paano. Ang mahalaga sakin maibalik ‘yung puhunan at kumita kahit kaunti.

“Eh ang nakakatuwa, ‘yung mga ginagawa naming pelikula nakakakuha ng award, sa ibang bansa pa,” nakangiting kuwento pa ni Go.

Samantala, ang pelikula niyang Latay ay agaw eksena ang trailer sa Sinag Maynila. Pinagbibidahan ito nina Lovi Poe at Allen Dizon.

Ang 6th Sinag Maynila ay magsisimula sa March 17 hanggang 24 na pinamumunuan ni Direk Brillante Mendoza at ni Solar Pictures big boss Wilson Tieng.

Naiiba ang tema ng Latay na ayon sa direktor nitong si Ralston Jover ay dahil sa halip na si misis ang binubugbog ni mister, eh kabaligtaran.

Kasama rin sa movie sina Snooky Serna at Mariel de Leon.

Ang apat pang full-length movies na kasali sa festival ay ang He Who is Without Sin ni Jason Paul Laxamana, starring Enzo Pineda and Elijah CanlasThe Highest Peak ni Arnel Barbarona at bida sina Dax Alejandro at Mara Lopez; Kintsugi (Beautifully Broken) directed by Lawrence Fajardo, tampok si JC Santos at ang Japanese actress na si Hiro Nishiuchi; at Walang Kasarian Ang Digmang Bayan (The Revolution Knows No Gender) ni Joselito Altarejos at pinagbibidahan nina Oliver Aquino, Arnold Reyes, Sandino Martin, at Rita Avila.

Bukod sa full-length may short film at documentary competitions din na ang magwawagi ay iaanunsiyo sa Gabi ng Parangal sa March 22.

Ang Sinag Maynila 2020 ay nabuo sa pakikipagtulungan ng official venue partner SM at SM Cinemas, at ng FDCP. Nagpapasalamat din ang festival sa screening venue partners: Cinema 76 Anonas, Cinema 76 San Juan, Cinema Centenario, Gateway, Robinsons Galleria Ortigas, Robinsons Galleria Cebu, Robinsons Magnolia, SM Manila, SM Mall of Asia, SM Megamall at ang UP Film Institute.

Ang kompletong screening schedule ay ilalabas sa publiko bago mag-18 ng Marso, ang unang araw ng public screenings ng Sinag Maynila 2020.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio  

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *