Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dess Razal, natupad ang pangarap maging artista sa Depression

SOBRA ang kagalakan ng baguhang young actress na si Dess Razal. Mapapanood siya sa pelikulang Depression ng AAGS Movie Production mula sa pamamahala ni direk James Merquise.

Nagkuwento ang 16 year old na si Dess kung paano siya nabigyan ng break sa showbiz. “Sa totoo lang po, first time ko po magkaroon ng project sa AAGS Movie Production, kay direk James Merquise po na ang role ko po roon ay si Cess na sinapian ng demonyo. Sobra po akong nagpapasalamat Kay Lord dahil ‘di ko talaga alam kung paano pumasok sa showbiz at gumawa si Lord ng instrumento para ipasok ako sa showbiz thru Mary Joyce Cureg na ka-workshop ko. Bale, in-invite niya ako kay direk James at nag-workshop ako sa kanya last December.”

Dagdag ni Dess, “So ngayon po, habang naghihintay po ako ng call para sa mga taping, ang ginaga­wa ko po ay sumasali sa mga fashion show.”

Paano niya ide-describe ang experience sa kanyang unang movie? “Sobrang saya po kasi natupad na rin po ‘yung hinihiling ko kay Lord at ibinigay na Niya sa akin. Para po ‘di ako kinabahan noon, inisip ko na gagawin ko ‘to para sa pamilya ko na naniniwala sa akin at alam kong may Diyos ako na kasama at di Niya ako pababayaan. Doon ko na-feel kung paano umarte sa camera at sobrang saya, kasi mababait ‘yung mga cast.

“Maging matiyaga lang ang kailangan at pagbutihin po ang pag-arte. Noong unang scene po kinabahan ako, kasi natatakot ako na pagalitan ni Direk o magkamali ako o baka makalimutan ko ‘yung line. Noong pa­nga­lawa na, ‘di na po ako kinabahan, tinanggal na ni Lord ‘yung kaba ko, binigyan Niya ako ng lakas para ma­gawa ‘yung dapat kong gawin at ini-enjoy ko lang po ‘yung ginagawa ko,” sambit ni Dess.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …