Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

BeauteDerm CEO na si Ms. Rhea Tan, kinilalang Outstanding Businesswoman of the Year

KINILALA ang Beautederm CEO and owner na si Ms. Rhea Anicoche Tan bilang Outstanding Businesswoman of the Year ng Laguna Excellence Awards 2020. Sa pamamagitan ng hard work at positive attitude, napalago ni Ms. Rhea ang kanyang kompanya, na isang consistent Superbrands awardee.

Deserving sa award na ito ang lady boss ng Beautederm dahil sa mga indibiduwal na binago niya ang buhay mula nang gumamit ng kanyang produkto at naging dealer at reseller. Nalagpasan nito last year ang target na Road to 100 stores sa iba’t ibang panig ng Filipinas at isa sa Singapore. Ngayon ay papunta na ito sa Road to 200 stores. May higit sa isang libong resellers at distributors ang Beautéderm at nagpapadala ito ng mga produkto araw-araw sa bansa at sa abroad.

Nagpasalamat sa naturang pagkilala si Ms. Rhea sa pamamagitan ng kanyang FB post. “My heart is overflowing with gratitude to the amazing men and women behind Laguna Excellence Award for finding favor to the hard work that Beautéderm Corporation is doing for our loyal patrons.

“This Outstanding Businesswoman Of The Year for the year 2020 is bigger than me as I cannot accomplish the wonderful things that Beautéderm is doing without the unwavering support of my loyal staff, my wonderful brand ambassadors, my loving family, our hardworking sellers and of course, God’s unending Grace.

“This recognition further motivates me to do better and work harder to be the best version of myself. Thank you very, very much.”

Bukod sa pagiging mahusay na businesswoman, kilala sa mundo ng showbiz si Ms. Rhea dahil madalas na rin siyang maging laman ng showbiz functions na kadalasang may ayuda o sponsor ang Beautederm. Pati na rin sa rami ng celebrity ambassadors niya sa pangunguna nina Face of Beautederm Ms. Sylvia Sanchez at Face of Beautederm Home na si Marian Rivera.

Kasama rin dito sina Ms. Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Carlo Aquino, Arjo Atayde, Ria Atayde, Ejay Falcon, Ken Chan, Glydel Mercado, Tonton Gutierrez, Alma Concepcion, Rochelle Barrameda, Jimwell Stevens, Alex Castro, at marami pang iba.

Itinatag ni Ms. Rhea ang Beautederm noong 2009 na kinakatawan ang prinsipyo niya na nagsisimula ang kagandahan sa pag-aalaga sa sarili at dahil dito’y mas magiging malusog ang isang tao at makapagpapamalas ng kagandahan hindi lang sa panlabas na kaanyuan kundi sa kabuuan ng kanyang pagkatao na rin.

Hindi lang para tumulong sa pagpapaganda ang misyon ng BeauteDerm at ni Ms. Rhea, kundi para rin pagandahin ang buhay ng mga tao. Kaya patuloy sa pagdami ang resellers and online dealers nito at pagbubukas ng mga BeauteDerm store.

Ginagabayan niya na may kakaibang haplos ng pagmamahal ang ipinadarama niya, sa mga nagiging bahagi ng BeauteDerm family.

Ang Beautederm flagship store ay matatagpuan sa Marquee Mall sa Angeles, Pampanga.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …