Sunday , December 29 2024
BREAK-UP WITH COAL! Ito ang nakasaad sa dalang malaking puso nitong nakaraang Valentine’s Day ng mga grupo ng consumers at clean energy na nagsagawa ng kilos protesta sa harap ng gusali ng Energy Regulatory Commission (ERC) na umaasang ibabasura ng komisyon ang dirty coal contracts ng Meralco.

Consumers sa ERC: Maging makatao, dirty coal contracts ng Meralco, ibasura

HINIKAYAT ng clean energy at grupo ng mga konsumer sa Energy Regulatory  Commission (ERC) na magpamalas ng pagmamahal sa pamamagitan ng hindi pagpayag na magwagi ang dirty coal contracts makaraang ianunsiyo na sa mga darating na araw ay kanila nang ilalabas ang naging desisyon sa aplikasyon ng anim na bagong power contracts ng Meralco.

Ayon sa Power for People Coalition (P4P), ang malaking bahagi ng nakabinbing Power Supply Agreements (PSA) ng Meralco ay nagmumula sa coal o karbon, sa kabila ng paulit-ulit na panawagan at mariing pagtanggi ng consumers at apektadong komunidad.

“While it may be that the ERC really is seeking to ensure that power consumers are supplied with sufficient, reliable electricity, we call their attention to the fact that allowing coal to continue wreaking havoc in the power sector goes completely against that goal,” giit ni Gerry Arances, convenor ng P4P at Executive Director of the Center for Energy, Ecology, and Development (CEED).

Aniya, ang 530 MW na kontrata ng  total 1,700 MW kapasidad ay nagmula sa  South Luzon Thermal Energy Corporation’s 270 MW coal facility at  San Miguel Energy Corporation’s 1,200 MW coal plant sa Sual.

“San Miguel’s coal plant in Sual was a repeated culprit in the many red and yellow alerts that the Luzon grid went through last year, with the facility going through planned and forced shutdowns not only during the summer months but also through October to December. The ERC must not entrust con­su­mers’ welfare to this kind of in­excusably bad service,” anang P4P convenor.

Umaasa aniya ang mga nanini­rahan sa paligid ng coal-fired facility na magiging maka­tao at may pagmamahal ang ilalabas na desisyon ng ERC at hindi papaboran ang kontrata ng enerhiya na gumagamit ng karbon na nakalalason sa mga residente.

“Dalawang dekada nang sinisira ng planta ng coal ang kabuhayan at kalusugan namin. Dalawang dekada na naming tinitiis ang nakasusulasok na hanging ibinubuga nito. Kung bibigyan pa ito ng panibagong kontrata, magpapatuloy nang ilang taon pa ang paghihirap ng mga mamamayan ng Sual,” dagdag ni Rosanna Soriano ng  Save Sual Movement.

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *