Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

BidaMan finalist Miko Gallardo, hataw sa commercial at pelikula

HUMAHATAW ngayon ang BidaMan finalist ng It’s Showtime na si Miko Gallardo. Si Miko ay co-managed ng ABS-CBN at ng Mannix Carancho Artist & Talent Management owned by Mannix Carancho ng Prestige International.

Siya ang lead actor sa Kuwentong Jollibee Valentine Series 2020 commercial na pinamagatang #CoupleGoals at ito ay papunta na sa 30 million views. Ito ay istorya ng picture-perfect couple na nagpapakita ng reality of a relationship behind every social media post, #trueloveconquersall for a Valentine’s Day special.

Aminado si Miko na dream come true ito sa kanya. “This is a dream come true to have a commercial with Jollibee,” aniya.

Si Miko ay introducing sa pelikulang Us Again ng Regal Entertainment, Inc. Ang Jane Oineza-RK Bagatsing starrer ang unang pelikula ng 21-year-old newbie actor, at ito’y showing na sa February 26. Nakatakda rin gumawa ng horror movie si Miko sa Regal Entertainment Inc., na pamamahalaan ni Direk Chito Roño.

Ano ang changes sa career niya mula nang mapasama sa Top 12 ng BidaMan at ngayong nasa pangangalaga siya nina Mannix Carancho at Amanda Salas?

Saad niya, “Ayun nga po, without them, ‘di naman po ako mapa­pasok sa BidaMan. Sila po ‘yung talagang naka-discover sa akin and sila ‘yung kumuha sa akin para maging talent nila, before pa ‘yung Showtime. Sila po nag-push sa akin, kaya kung walang Prestige, siguro ‘di ako makapapasok sa Showtime. Kaya sobrang pasasalamat ko po talaga sa kanila.”

Nabanggit din ni Miko na wish niyang makasali sa isang TV series this year. “So, sa 2020, of course ita-try ko pong makapasok sa teleserye, dream ko po iyon since bata. Level up sa craft, pagsasayaw, pagkanta… Improve lang nang improve, ‘di lang sa 2020, hanggang sa kaya, hanggang sa kayang lumaban.”

Anong klaseng TV Series ang gusto niya, drama, rom-com, action, comedy? “Lahat! Hahaha! Lahat, ita-try ko. If kaya, why not?” Nakangiting saad ni Miko.

Sino ang mga gusto niyang makatrabahong artista at bakit?

“Sina Jake Cuenca, Coco Martin, Gerald Anderson… Noong bata po ako, noong nasa Grade 4 or Grade 3, napapanood ko po sila all the time. Isang teleserye na gustong-gusto ko talaga ay ‘yung Tayong Dalawa… ‘di ako makakatulog until mapanood ko ‘yun. Minsan gumagawa ako ng mga homework, habang nano­nood.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …