AMINADO ang actor/direktor na si James Merquise na mas may satisfaction siyang makuha bilang director, kaysa pagiging actor.
“Yes po, as director kasi sa paggawa ng pelikula, para kang artist na gumagawa ng obra maestra na painting… unlike sa pagiging actor naman po, parang ikaw naman iyong modelo na iginuguhit sa isang obra. Gusto kong gumawa ng maraming obra maestra na films at hubugin ang mga tinuklas kong talents at artista,” wika ni James.
Kabilang sa tinutukoy niyang talents sina Marian Angela, Lyn Buella Pugazar, Dess Razal at Sergia. “Bale, sina Dess Razal po, Marian, at Lyn, sila ‘yung friend ni Sergia sa pelikulang Depression na ako ang nag-direk po,” aniya.
Pahayag ni James sa pagiging actor/director niya, “Marami naman po kasing nag-start po as actor and then naging scriptwriter, director. Kagaya ng mga idol ko rin dati, sina idol Mike Magat…sa kanila ako na-inspire. Dati mga artista sila na naging director din.
“So ‘yung kaibigan ko rin dati, si Akihiro Blanco, iyan mga kasama ko sa Sikreto Sa Dilim, nagdidirek na rin ngayon. Mayroon nga kaming ginawang movie noon, Tagpuan. Siya po ‘yung director tapos ako ‘yung creative director ng movie na Tagpuan. Kaya nakatutuwa na rati mga aktor lang kami. And ngayon, tumutulong na rin po ako sa mga kabataan, like sa mga talent ko.”
Aniya, ukol sa mga pinagkakaabalahan ngayon, “Mayroon kaming launching ng sarili kong production sa February 28, iyong AAGS Movie Production. Bale pangalan ko po talaga ‘yun, real name ko, initial po ‘yun ng real name ko. Mayroon po akong mga producer, pero may mga movie rin po na ako nag-produce. Mayroon kaming mga advocacy films ngayon na Doc, tungkol ito sa HIV and AIDS awareness. Kasi sa panahon ngayon, napakarami raw Filipino na bata pa pero nagkakaron na ng AIDS. So ito, para maiwasan natin magkaron ng ganoong sakit.”
Incidentally, abangan ang tatlong short film ni James na Doc, Depression, at Bestfriend Forever sa Christian Film Festival QCX Event Center, QC Circle, ngayong February 28, 2020.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio