Kamakailan ay nakipagpulong ang mga homeowners sa Multinational Village kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.
Matagal na kasi nilang inirereklamoa ang paglabag sa R1 Zoning ng mismong mga opisyal ng homeowners association, at tuloy-tuloy na konstruksiyon ng mga illegal structure sa loob mismo ng Village.
Nangako si Mayor Olivarez na magpapadala siya ng building inspectors mula sa Parañaque city hall lalo ‘yung mga naka-hold ang building permit pero tuloy-tuloy ang konstruksiyon.
Pero ilang linggo na ang nakalilipas, wala namang dumating na buiding inspectors sa Multinational Village.
Ayaw nating pagdudahan na baka ‘binola’ lang ni Mayor Olivarez ang homeowners ng Multinational Village.
‘Yun bang tipong, “Pinangakuan na kayo, gusto pa ninyong tuparin?
Ayaw rin nating isipin na nagkaroon ng ‘nagkaayusang’ este ‘maayos na usapan’ ang building inspectors at ang mga iinspeksiyonin kaya hindi na nakarating ang katotohanan kay Mayor Olivarez?!
Alin kaya ang totoo sa dalawa Mayor?!
Sana nama’y nagkakamali kami ng sapantaha.
Sana nama’y makatulong ka namin para solusyonan ang problemang ito ng homeowners sa Multinational Village.
Puwede po ba Mayor Olivarez?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap