Sunday , December 22 2024

Arnell, tuloy ang pagtulong sa Labor of Love

MAY bagong programa sa  radio si Arnell  Ignacio kasama si Rica Lazo, ang Labor Of Love o LOL sa DZMM na magsisimula sa February 14 (9:00-10:00 p.m.).

Ayon kay Arnell, ”Eh kasi nga iyon na yung naging linya ko e, especially with OFWs, kumbaga para nadagdag na siya na mastery ko e,” panimula ni Arnell.

Paano ito nagsimula at kaninong idea?

“Well, it’s my idea actually, pinag-uusapan namin ‘to nitong production team before, na wala lang, nagbabatuhan lang kami ng ideas.”

Isang taon din siyang naglingkod sa OWWA (Overseas Workers Welfare Administration), isang taon na rin mula noong mag-resign siya mula sa ahensiya ng gobyerno.

“Nag-resign ako dahil my dad got sick, and tapos ‘yung daughter ko nga nagkakaproblema na kami, kasi hindi naman sila sanay na ganoon ako ka-busy eh, alam mo ‘yung busy natin sa entertainment? Ay wala iyon! Wala iyon. If you are in government and you are truly doing your job, wala ka talagang oras sa kahit na ano, wala, kundi ‘yung trabaho mo.”

Naging mahirap ba sa kanya na umalis sa OWWA?

“Mahirap, kasi more ways than one I care for the people in OWWA, kasi nakita ko naman sila na they’re really very sincere, kaya lang ano nga eh, hirap silang i-communicate sa iyo kung ano ‘yung nasa puso nila, kasi nga ‘di ba taga-gobyerno ‘to, ang ginagawa nila talaga lagi kung ano ‘yung programa para roon sa kanyang pinagsisilbihan, pero…ito kasi problema ng Filipino eh, we are expecting perfection lagi eh, ‘di ba? Itong perfection na ito gusto mong makuha ng hindi ka man lang nagtatanong, hindi ka rin nagsasaliksik, kung ano lang ‘yung narinig mo, kung ano ‘yung narinig mo iyon muna ang iniisip mong totoo, ‘di ba?

“So, it becomes really very challenging, kung paano mag-communicate with the people, if you do not talk the way they talk, ‘di ba?

“And then we base our decisions, we base our assessment ng situation base lang sa impression, so how can you move intelligently kung pakiramdam ang binabasehan mo ng iyong magiging kilos, ‘di ba?

“Sinabi lang na ganito, ikaw naman ganito ka rin, I mean, kaya ako ine-urge ko ‘yung government, kailangan matuto tayo magsalita ng maikli na kompleto.

“Kaya ko naman sila nagaganyan kasi naging kaibigan ko sila eh, and these people mean really very well, they mean very well but they…iba eh, ibang dimensiyon sila eh, so akala nila okay, akala nila nagkakaintindihan kayo.”

Ganito ang approach na gagamitin nila sa show na LOL.

“Oo, that is really the point of the show, kasi noong ginawa ito roon sa…kailangan kasi talaga maintindihan mo ‘yung programa para maipaliwanag mo, ‘di ba? At saka kasi nga ako wala naman akong takot eh, wala naman akong benepisyo na aantayin, na ‘yung baka may mali akong masabi na baka maparusahan ako. I mean, eh ‘di kung maparusahan ako eh ‘di palayasin ako, ganoon.”

Paano kung kunin siya ulit ng gobyerno?

“Kinukuha nga ulit ako.”

Roon ulit sa OWWA?

“Oo.”

Ano ang sagot niya?

“Eh basta ano na lang, iniisip kong mabuti, kasi ano eh, mahirap siya pero masarap, masarap, kasi imagine mo ‘yung mga ginagawa mo…for example katulad kanina, ‘di ba mayroon akong sinagot na…may kausap ako kanina na nagagalit kasi…imagine mo iyon sasagutin ko, tatawag ako bukas, maayos ko na iyon, ‘yung bukas nasa immigration ako mayroong humihingi ng tulong, hindi niya maintindihan kung paano gagawin, eh ako kasi nga naging kaibigan ko itong mga ‘to, nagagawan mo ng paraan. Parang showbiz eh, ‘pag nagawan mo na ‘yan ng paraan, actually makakalimutan mo na, makakalimutan mo na iyon, and then magugulat ka na lang mayroon ka palang…’yung ginawa mo, hindi siya simpleng bagay ha, naayos mo buhay, buhay ‘to ha.

“For example OFWs, ‘yung simpleng nakarating ‘yan doon, naayos mo kung ano man ang problema nila, kadugtong niyan pamilya niya, mayroon kumain dahil sa ginawa mo, may bubong na nabuo dahil sa ginawa mo, nababago ‘yung buhay dahil sa…biruin mo itong chikahan nating ganito na for the longest time ‘di ba, ang showbiz masaya, pero napakalimitado.

“Eh ito hindi eh, ‘yung buong buhay niya ang naaapektuhan, naiimpluwensiyahan mo ng maganda, and that is very rewarding, lalo na kung hindi ka nag-e-expect na pasalamatan ka.

“Makakalimutan mo na ‘yun eh, makakalimutan mo  na hindi man lang nagpasalamat, people in government do not say that, na hindi man lang nagpasalamat, wala na, hindi mo na maiisip.”

Tuloy si Arnell sa tumutulong pero hindi na siya nakaupo, bakit hindi na lang siya maupo ulit?

“Eh kasi ‘pag naupo ka…although hindi naman ako nagsasalita ng tapos, marami ka na ring limitasyon, hindi ka rin puwede naman talagang…kunwari magtatrabaho ka outside of your job in government, may mga procedure iyan, maraming procedure lagi iyan eh, ang daming papeles.”

Bakit tumutulong pa rin si Arnell kahit wala na siya sa OWWA?

“Hindi ko nga rin alam eh. Kasi alam ko kung ano gagawin eh, imagine mo alam mo ‘yung gagawin tapos inilapit sa iyo, how can you turn your back?”

Na wala naman siyang mapapala kasi hindi na siya nakaupo sa OWWA?

“Hindi ko na rin naman maintindihan eh, kaya lang kasi ‘pag alam mo ang gagawin, gagawin mo lang eh, gagawin mo lang. Bakit noong nasa showbiz tayo ganoon din naman eh, naalala ko nasunugan si ganito, ultimo tatay ko kasamang tinutulungan si ganito, ‘di ba? It becomes something very personal.

“Actually hindi siya emosyonal na bagay eh, it’s not something emotional, it’s not something that you would tell people, ano lang eh, ‘pag binigyan ka ng…walang pinagkaiba, ayan magkakasama tayo, sasabihin mo nagugutom ka, dedeadmahin mo ba iyon? O tara kain tayo, ‘di ba, it’s as simple as that.”

At kilala siya sa showbiz na generous na celebrity.

“Hahaha! Noon kasi marami akong pambigay! Hahaha! Noong nasa gobyerno mahirap, mahirap. Hindi, kasi ganoon lang siya ka-natural, ‘di ba sa magbabarkada, may magsabi sa iyo…”

Parang default na lang talaga sa iyo?

“Yes! That the word, default, that’s the word, kunwari sabihin sa iyo nagugutom ka, o anong sasabihin mo? Tara kain tayo, ‘di ba? Hindi siya ‘yung isang bagay na napakalaki na nararamdaman mo, naging emosyonal ka, hindi eh, narinig mo eh, so matic iyon.”

Human instinct na iyon.

“Oo.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *