Sunday , December 22 2024

Sino-sino ang nakinabang kay Red Mariñas sa immigration!?

May nakarating sa ating balita na ipina­mamalita raw nitong dating hepe ng Bureau of Immigration Port Operation Division (BI-POD) na si Red Mariñas na may mga pabor raw tayong nahiling sa kanya noong nagtatamasa sila riyan sa Immigration NAIA.

Excuse me po!

Mukhang nagkaroon ng masamang side effect ‘ata sa utak ang pagkatalo nitong si Mariñas sa nakaraang election sa Muntinlupa.

Hindi ba ang tunay na nakinabang sa kanya ay mga alipores n’ya noon sa BI-NAIA!?

Mabuti na lang at ibinulgar ni Mr. Mon Tulfo ang talamak na human trafficking noong siya pa ang BI-POD chief?!

Limpak-limpak na kuwarta ang kinita ng mga bata-batuta o ‘yung sikat na “dirty dozen” niya sa mga airport noong panahon na namamayag­pag sila sa BI-POD!?

Kahit itanong n’yo pa kay Den Binsol!

Sino-sino naman ba ang nakinabang sa promotion noon sa Immigration!?

Hindi ba halos lahat ng nasa inner circle niya!?

Pati na ang isang babaeng Immigration Officer na very close raw sa kanya ay promoted agad kahit hindi naman qualified!?

At kung walang katotohanan ang mga expose ni Mr. Mon Tulfo, bakit hindi nila sinampahan ng kasong  Libel?!

Mr. Red Mariñas, paki-untog mo nga ang ulo mo sa pader at mukhang bigla kang nagkaroon ng amnesia!

At kahit alam ko ang mga alingasngas sa BI-NAIA noon at magiging talunan ka ulit sa Muntinlupa ay sinuportahan pa rin kita dahil sa respeto ko sa Tatay mo na matagal ko nang kilala.

Sabihin mo nga sa harap ng mukha ko, kung anong pabor ang nahita ko sa ‘yo!?

By the way Comm. Jaime Morente, totoo ba na kumukumpas pa rin si Mariñas diyan sa Bureau kahit wala na siya riyan!?

Aba’y kung totoo ito, para ano pa at ikaw ang Commissioner diyan!?

Fact sheet!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *