Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel at Liza, pagsasamahin ni Direk Sigrid sa pelikula

PAGKATAPOS maidirehe ni Direk Sigrid Andrea Bernardo sina Cristine Reyes at Xian Lim sa Untrue ng Viva Films at IdeaFirst Company na mapapanood na sa Pebrero 19, natanong ito kung sino pa ang gusto niyang makatrabaho. Wala naman itong kagatol-gatol na tinurang, sina Daniel Padilla at Liza Soberano ang gusto niyang idirehe naman.

Aniya, nagagalingan siya kina Daniel at Liza. ”Why not! Nagagalingan ako sa kanila. Bagay naman sila, ‘yun ang tingin ko. Gusto ko lang na iba naman, okey din naman si Kathryn (Bernardo). Gusto ko lang na iba,” paliwanag ng magaling na direktor.

Kakaiba rin ang gusto niyang gawing pelikula ng dalawa, isang horror o zombie film. ”Para walang ano… zombie film, love story na zombie film,” sambit niya.

Samantala, isang acting piece namang maituturing ni Direk Sigrid ang Untrue na pinuri pa niya ang dedikasyong ibinigay ng kanyang mga artista rito.

Aniya, ”We had 10 days of workshop…Kumuha ako ng acting coach…They were really professional.  They studied their lines.  Xian gained 20 pounds for this.  I told him to gain 20 pounds, and he did…tapos nagpabalbas siya.  Si Cristine naman nagpakulay ng buhok.”  

“I am very happy with the outcome of Xian and Cristine. They were good…I’m very satisfied,” giit pa niya.

Paliwanag ni Direk Sigrid, naintindihan ni Cristine na kailangan niyang mag-workshop para sa pelikula dahil limitado ang oras nila para mag-shot sa Georgia. ”Three weeks lang ‘yung mayroon kaming time for that and everyday work kami, wala kaming bakasyon, so kailangan talaga masunod lahat ng sequence roon.”

Sa Tbilisi, capital ng Georgia mostly kinunan ang pelikula kaya naranasan nila ang sobrang lamig.

Sa Georgia kinunan ang pelikula dahil ayon sa direktor, ”Kailangan sa kuwento na kaunti lang sana ang Pinoy kaya nag-migrate (‘yung character) doon,” paliwanag ni Direk Bernardo. Mayroon lamang 30 Pinoy ang naninirahan sa Georgia na nakilala niya habang ginagawa nila ang pelikula.

Ang Untrue ay itinampok sa Tokyo International Film Festival noong October kasama ang iba pang pitong pelikula.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …