Wednesday , December 25 2024

Coney, may bagong role bilang health advocate ng isang Vitamin B brand

PINANGALANANG health ambassador ng Vitamin B brand na Fortiplex ng Pharex Health Corporation si Coney Reyes.

Sa edad 65, tila hindi pa naiisip ng aktres na magretiro. Bahagi siya ngayon ng family drama series na Love of My Life sa GMA 7. Gaganap si Coney bilang ina ng character ni Tom Rodriguez na may sakit na pancreatic cancer. Dala ng sakit na maaari niyang ikamatay, susubukan nitong buuin ang nasirang pamilya.

“Excited na ako sa project na ito – excited ako na makatrabaho sina Tom, Carla (Abellana), Rhian (Ramos), Mikael (Daez). It’s a beautiful story about love for family na sigurado akong makare-relate ang maraming tao,” ani Coney. 

Sa tunay na buhay, isang mapagmahal na ina kina LA at Carla Mumar at Pasig Mayor Vico Sotto si Coney. Isa rin siyang lola sa mga anak ni LA na sina Lorenzo, Matteo, at Alejandro.

Bukod sa showbiz at pamilya, patuloy din si Coney sa mga gawain niya bilang discipleship group leader sa Victory Christian Fellowship.

At kamakailan, nadagdagan ang kanyang tungkulin nang kunin siya bilang brand ambassador ng Pharex Health Corporation para sa Fortiplex, isang Vitamin B brand na para sa 60 years old pataas.

“Natutuwa akong maging parte ng Pharex family lalo na at ito ay naglalayong ipamahagi ang awareness tungkol sa Vitamin B at mga health benefits nito,” saad ni Coney.

Ang Fortiplex ay isang uri ng high-dose B-complex vitamins (B1, B6, B12 na may dagdag na B2 at B3) na mabisang panlaban sa peripehral neuropathies, mood issues at  pagiging makakalimutin ng mga matatanda.

Ani Coney, ”Para sa mga kaedad ko, very common talaga ‘yang pamamanhid at tusok-tusok. At saka kung mapapansin niyo, habang tumatanda ang tao mas mabilis na mairita o mainis sa mga maliliit na bagay. Parang sala sa init, sala sa lamig minsan, hindi mo maintidihan.”

May mga medical studies na nagpapatunay na ang kakulangan sa Vitamin B ay nagiging dahilan ng pagbago-bago ng mood o ugali, pati na rin ang pagiging makakalimutin. Nakalulungkot mang isipin ngunit mas prone sa mga ganitong kondisyon ang mga senior citizen. Sinasabi ng mga siyentipiko na ito ay dala ng kawalan ng gana sa pagkain o kakulangan sa nutrisyon.

At malalabanan ang tusok-tusok, pamamanhid at iba pang sintomas ng Vitamin B deficiency pati na rin ang pagbabago ng mood sa pamamagitan ng Fortiplex na mayroong kombinasyon ng limang uri ng Vitamin B na tumutulong maibsan ang sintomas ng peripehral neuropathies at mood swings.

“Sa bawat life stage ng tao, kailangan ng katawan natin ng tamang dami o timbang ng vitamins at nutrients para maging mas mabuting bersiyon tayo ng ating mga sarili araw-araw. Makinig tayo sa sinasabi ng katawan natin, kung ano ang kailangan nito. Sumangguni sa doktor kung kinakailangan. At ang pinakamahalaga sa lahat, huwag kalimutan ang inyong personal na relasyon sa Panginoon,” giit pa ni Coney.

Ang Fortiplex ay mabibili sa leading pharmacies nationwide sa halagang PHP 18.86 SRP kada kapsula. Mabibili rin ito sa strip foil form x 4s (box of 100s).

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *