Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Prince Clemente, hanga sa humility ni Dingdong Dantes!

Biggest break ng Kapuso hunk na si Prince Clemente ang maging parte ng cast ng Philippine version ng hit Korea novela na Descendants of the Sun (DOTS).

Prince is delineating the role of Sgt. First Class Randy Katipunan a.k.a. Piccolo sa DOTS.

Looking back, noong pinag-audition raw siya, hindi niya alam kung ano iyong role na kanilang ibibigay sa kanya. Pero familiar naman daw siya sa Descendants of the Sun.

Noong dumating raw siya sa araw ng audition, ang dami raw nila noon kaya parang kinabahan raw siya. ‘Yung iba raw kasi, mas kilala kompara sa kanya.

After the audition, he told his manager that he would accept any role. Ang payo raw sa kanya, magdasal.

Wala raw siyang natanggap na pasabi na natanggap siya. Kaya ang akala raw niya,  hindi siya nakapasa sa audition.

“Kaya nang makuha ko ang role bilang si Picollo,” he said, “sobra ang saya ko, sobra akong na-overwhelm. Sino ba naman ang hindi ma-o-overwhelm sa laki ng project?” asseverated Prince at the media conference of the Descendants of the Sun last January 30 that was staged at the Studio 7 of the GMA Annex Building.

Nang mabuo na raw ang Alpha Team, isinabak na sila sa 25-hour military training sa Fort Magsaysay sa Sta. Rosa, Nueva Ecija kasama ang ilang miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Doon daw naranasan ni Prince ang pinakamatinding workout sa buong buhay niya.

Doon lang daw niya naranasan ang magbuhat ng troso, magtusok-ulo, tumakbo nang ilang oras, umakyat sa mataas sabay baba ka nang mabilis.

Kaya raw lumaki ang respeto nila sa AFP dahil sa nasaksihan nilang training nila.

“Nakahihiyang magreklamo, ‘di ba? Kasi, si Kuya Dong, hindi mo siya narinig na nagrereklamo. Kaya kami nina Jon (Lucas), Paul (Salas), Rocco (Nacino) at Lucho (Ayala), ibinigay namin ang lahat ng makakaya namin for the Alpha Team at para maging proud si Kuya Dong sa amin.”

Prince was able to do some GMA teleserye like Once Again, Pinulot Ka Lang Sa Lupa, Sahaya, Kara Mia, and The Better Woman.

Naging endorser rin siya ng underwear brand na Boardwalk.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …