DIYAN naman sa Barangay Sto. Niño sa Parañaque City walang kabog ang perya-sugalan na talagang dinarayo ng mahihillig sa color games.
Kung inaakala po ninyong rides ang dinarayo riyan, ‘e nagkakamali po kayo.
Ang perya ay dinarayo dahil sa kanilang mga kakaibang ‘palaro’ gaya ng ‘sa pula sa puti,’ ‘beto-beto,’ at iba pang larong may tayaan.
Hindi natin maintindihan kung bakit tila hindi nababahala ang mga opisyal ng barangay, police community precinct (PCP) at mismong ang tanggapan ni Mayor Edwin Olivarez?!
Tapos na ang Paskong pagsilang ni baby Jesus, at maging ang Pasko ng mga Intsik pero nariyan pa rin ang perya-sugalan na ‘yan.
Hihintayin pa ba ang Pasko ng Pagkabuhay bago i-dismantle ang perya-sugalan o permanente na ba ‘yan diyan sa Sto. Niño?!
Mayor Edwin Olivarez Sir, totoo bang, nakatimbre sa inyo ang perya-sugalan na ‘yan?!
Aba ang laki raw po ng pangalan ninyo roon?!
Paki-verify lang po, Mayor Olivarez.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap