Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kelvin Miranda at Angel Guardian, tampok sa Maynila ng GMA-7

ISANG naiibang istorya ang tampok sa Maynila ng GMA-7, starring Kelvin Miranda at Angel Guardian, hosted by Cong. Lito Atienza, pinamagatan itong A Fake Love Story at mapapanood ngayong Saba­do, February 8, 9:40 am.

Inusisa na­min si Angel ukol sa mapapanood sa kanila this Saturday.

Esplika ng aktres, “Ang role ko rito, ako po si Cheche na isang babaeng bakla na may gusto kay Rambo (Kelvin). So ako, since babaeng bakla ako, des­perado akong makuha iyong lalaking gusto ko.

“So, gagawin ko ang lahat para maku­ha siya, to the point na mali na, na nagsisi­nungaling na ako, nagtatago na ako ng mga bagay na hindi naman dapat.”

Dagdag ni Angel, “Naghahabol ako kay Rambo rito, sobra… baliw level ako sa kanya rito, obsessed… hayon.

“Bale, comedy na love story po ito, kaya sure kami na mag-eenjoy ang viewers dito.”

Ayon naman kay Kelvin, “Sana ay abangan ng viewers ang Maynila this Saturday, naiiba po ito.”

Paano niya ide-describe si Angel bilang katrabaho? “Okay naman si Angel, mag­kasundo kami kasi matagal na kaming mag­kakilala. Actually ako ‘yung reason kung bakit na kay sir Tyronne (manager nila) siya, kasi ako ‘yung nag-recommend sa kanya. Mag­ka­klase kami sa Star Magic, e.”

Ano naman ang masasabi niya kay Kelvin bilang katrabaho? Sagot ni Angel, “Sanay na po ako kay Kelvin, matagal ko na siyang kasama, nagsasawa na nga po ako e, hahahaha”

Kung gawin silang love team, okay lang ba sa kanya? “Okay lang po, kasi wala na kaming ilangan, iyon ang maganda roon, hindi na mahirap, hindi mo na kailangan mag-adjust dahil kabisado na namin ang isa’t isa.”

“Enjoy naman po akong katrabaho si Kelvin, lagi lang kaming naglolokohan, biruan,” wika ni Angel.

Si Angel ay naging introducing sa pelikulang D’ Ninang na tinampukan ni Ai Ai dela Alas. Napanood din siya sa OnanaySahaya, at iba pang shows ng Kapuso Network.

Si Kelvin naman ay nagbida na sa peliku­lang The Fate at nagmarka nang husto sa Dead Kids na itinampok sa Netflix.

 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …