Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kaori Tanaka, wish sundan ang yapak ng idol na sina Sarah & Morissette

Ang eight year old na si Kaori Hailey Tanaka ay isang talented na bata na pumapalaot ngayon sa mundo ng musika. Ang father niya ay Japanese at ang mother niya ay Pinay.

Tatlong taon pa lang daw ay napansin ng mother niya ang talent ni Kaori sa pagkanta, kaya sinuportahan na nilang mag-asawa sa workshops sa iba’t ibang larangan gaya ng singing, dancing, at acting. Kumakanta rin siya sa school event nila at mall shows, and naging finalist sa SM Little Star last 2018. Ang naging talent niya rito ay singing at acting.

Last Dec. 26, 2019 ay nagkaroon si Kaori ng solo concert sa Riverbank, Marikina. Dito’y masayang-masaya siya sa pagkakataong magkaroon ng solo-show.

“Masa­yang-masaya po talaga ako sa oppor­tunity, kaya po pagbubitihin ko pa talaga ang pagpe-perform,” nakangiting wika ni Kaori.

Sina Sarah Geronimo at Morissette ang mga idol na singer ni Kaori at wish na sundan ang yapak. Sinabi niya ang rason nito, “Gusto ko po kasi ang mga kanta nila and alam ko po na mababait sila, kaya sila ang gusto kong sundan ang yapak.”

Sa ngayon ay nakipag-usap na sila sa isang songwriter para gumawa ng environmental theme na kanta na babagay kay Kaori.

Ano ang wish niyang mangyari sa kanyang career as a singer? “Sana po makapasok ako sa mainstream ng showbiz at makagawa ng magagandang project sa singing at acting,” sambit ng cute na si Kaori.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …